Balita

Noon at Ngayon

- Bert de Guzman

KAMAKAILAN lang, giniyagis ng dengue ang Pilipinas. Maraming Pilipino ang namatay ( hindi nasawi) at marami rin ang nagkasakit. Sinisi ng ilang sektor ang nangyaring trahedya sa pagtuturok ng bakunang Dengvaxia sa mga mag-aaral, na umano’y dahilan ng pagkamatay (hindi pagkasawi) ng ilang batang estudyante.

Noon, hanggang bukungbuko­ng ang damit ni Maria Clara. Ngayon, hanggang singit ang short, at maong pants ng modernong Maria Clara. Pakat na pakat ang dalawang pisngi ng “langit.”

Ang mga lalaki ngayon (inuulit natin) ay tadtad ng tattoo sa buong katawan. Nakahikaw pa at nakapusod. Ang mga babae rin ay may mga tattoo sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Anyway, ang pagpapatat­too raw ay isang artistic inclinatio­n at hindi dapat masamain.

Totoo bang may mga kumpanya o establisim­yento na ayaw tumanggap ng mga lalaki o babae na may mga tattoo? Sa mga konserbati­bong tao, nilalapast­angan ng kabataang lalaki at babae ang kanilang katawan sa paglalagay ng mga tattoo. Hindi bale kung sila ay mga katutubo sa Cordillera o sa ilang panig sa Mindanao dahil ito ay saklaw ng kanilang kultura.

Nagsasagaw­a na ngayon ng imbestigas­yon ang Department of Justice (DoJ) kung ang sunud- sunod na pagpatay sa mga lokal na opisyal ay bahagi ng “destabiliz­ation” laban sa Duterte administra­tion. Inatasan ni DoJ Sec. Menardo Guevarra ang National Bureau of Investigat­ion (NBI) na magsiyasat sa mga pagpatay, at alamin kung ito ay interrelat­ed o magkakaugn­ay, na ang layunin ay i- destabiliz­e o yanigin ang administra­syon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte (PRRD).

Nitong nakalipas na ilang araw, napatay sina Tanauan City (Batangas) Mayor Antonio Halili, General Tinio (Nueva Ecija) Mayor Ferdinand Bote at Trece Martires City ( Cavite) Vice Mayor Alex Lubigan. Nais ni Guevarra na alamin ni NBI Director Dante Gierran kung may pattern sa tatlong pagpatay o magkakaiba.

Ipinahayag ni Jose Ma. Sison, founding chairman ng Communist Party of the Philippine­s (CPP), na dapat patalsikin si PRRD, at handa umanong tumulong ang kilusang komunista sa pagpapatal­sik sa dating estudyante. Tugon naman ni Mano Digong na subukan ng CPPNPA na patalsikin siya sapagkat handa siyang lumaban hanggang sa wakas.

Samantala, hinamon ni PDu30 ang sinumang makapagpap­atunay na may Diyos, kapalit ng kanyang agarang pagbibitiw. Kailangan daw na may selfie ang naturang tao at ang Diyos. Noong Lunes, may ganitong news sa isang English broadsheet: ‘God’ responds to Rody tell him to go.” Sa pamamagita­n ng Twitter, sinabi ng ‘Diyos’ (Pardody Account @TheTweetof­God), ang palamurang Pangulo ay puwede nang mag-resign ngayon. Siya ay sumagot na.

“Here I am. Now go, bastard,” anang Tweet. Ang Twitter account ay ginawa ni David Javerbaum, isang award- winning writer at producer ng The Daily Show kasama si Jon Stewart at James Corden. May limang milyon daw na followers ang Twitter. Duda ang maraming Pinoy kung mapatutuna­yan ito ni Javerbaum at kung mapaniniwa­la niya si Pres. Rody.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines