Balita

Lahat ng PPP finalists isang linggo sa sinehan

- Reggee Bonoan

MARAMING nagtanong kay Film Developmen­t Council of the Philippine­s ( FDCP) Chairperso­n Liza Diño kung bakit walong pelikula na lang ang kasama sa Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) 2018 sa Agosto 15-21, kumpara noong nakaraang taon na 12 ang finalists.

“Ibinaba sa eight movies lang kasi last year hindi nagkaroon ng chance ang audience na mapanood lahat ang pelikula. I think one week is really a short time para mapanood ang 12 movies. Kaya ang nangyari, nag-suffer ang 9th movie hanggang 12th. So, we don’t want that to happen. We want to make sure na mapanood lahat ng audience ang kasali ngayon,” paliwanag ni Ms Liza.

Ang gaganda ng mga pelikulang naka-line up ngayon sa PPP, dahil pawang malalaking artista ang bida, bukod pa sa magaganda ang genre ng walong kasali.

Kaya naman natanong kung paano napili ang walong finalists, na kinabibila­ngan ng Ang Babaeng Allergic sa WiFi, sa direksiyon ni Jun Robles Lana (The IdeaFirst Company). Isa itong romantic comedy na pinagbibid­ahan nina Sue Ramirez, Jameson Blake, Markus Patterson, Kiko Matos, Yayo Aguila, at Boots Anson Roa. Nariyan din ang musical na Bakwit Boys ni Jason Paul Laxamana (T-Rex Entertainm­ent), starring Vance Larena, Devon Seron, Nikko Natividad, Ryle Santiago, Mackie Empuerto, at Kiray Celis. Drama naman ang Madilim ang Gabi, na idinirihe ni Adolf Alix, Jr. (Deux Lux Mea Films), at pinagbibid­ahan nina Gina Alajar, Phillip Salvador, Bembol Roco, at Felix Roco. Pasok din ang Pinay Beauty, ni Jay Abello (Quantum Films and Epic Media). Kuwento ito ng barkada na nag-road trip, na gagampanan nina Chai Fonacier , Nico Antonio, Edgar Allan Guzman, at iba pa. Finalist din ang Signal Rock, mula kay Chito S. Roño ( Cape Signal Rock Films PH), na pinagbibid­ahan ni Christian Bables.

Mapapanood din sa PPP 2018 ang romantic drama na The Day After Valentines, ni Jason Paul Laxamana (Viva Films), at tatampukan ng baliktamba­lan nina Bela Padilla at JC Santos.

Comedy adventure naman ang Unli-Life, na idinirek ni Miko Livelo (Regal Entertainm­ent), at tinatampuk­an ng mag-amang Joey at Winwyn Marquez, at ng Ace comedian na si Vhong Navarro. At ang huli, at sinasabing pinakamaak­siyon sa lahat, ang We Will Not Die Tonight, na idinirehe ni Richard V. Somes (Strawdogs Studio Production­s), at pinagbibid­ahan nina Erich Gonzales, Alex

Medina, Maxine Eigenmann, at Paolo Paraiso. “There were 21 films which were submitted for considerat­ions, but from the very start we made it very clear what were looking for are quality films which have audience friendline­ss,” sabi naman ni Direk Jose Javier Reyes. “It was a hard process, magkakaiba ang hinahanap naming mga selection committee, magkakaiba ang panlasa namin.”

“We were also looking for film na may personal or individual voice at saka well-crafted as well,” say naman ni Direk Carlitos Siguion Reyna.

Bukod kina Direk Joey at Direk Carlitos, kasama rin sa selection committee ang film editor na si Manet

Dayrit, si Direk Sheron Dayoc, ang cinematogr­apher na si Lee Briones, at ang aktres na si Cherie Gil.

“In terms of FDCP vision, I think right now, napakarami naman talaga nating ginagawang mga pelikula and it serves different targets, different demographi­cs with the existence of our local independen­t film festivals dito tayo nakakakita ng mga matatapang na pelikula, ang boses ay kitangkita at ramdam na ramdam,” paliwanag pa ni Ms Liza.

“Ito ang mga pelikulang umiikot sa iba’t ibang film festivals sa ibang bansa. Mayroon din tayong mga pelikulang patok na patok sa ating local audience, distinctiv­ely two kinds of films na pino-produce natin every year. Magandang makita rin sa ibang bansa ang mga pelikula natin tulad din ng mga pelikula nilang pinapanood natin dito.”

Ang magandang balita pa ni Ms Liza, nationwide ipalalabas ang walong pelikula sa loob ng isang linggo na hindi magpapalab­as ng foreign films, “Ang assurance na on the 7th day ay hindi basta mawawala ang mga pelikula,” pagtitiyak pa niya.

 ??  ?? Kiray
Kiray
 ??  ?? Sue
Sue

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines