Balita

Pagtaas ng presyo ng Lotto kinansela ng PCSO

-

IPINAHAYAG kahapon ni Philippine Charity Sweepstake­s Office (PCSO) General Manager Alexander Balutan na kinansela ng ahensiya ang planong pagtaas sa presyo ng tiket ng Lotto, Sweepstake­s, at Keno na nakatakda sana sa Hulyo 8.

Magkakaroo­n ng pagbabago sa presyo ng tiket sa Hulyo 23.

“In a letter from Pacific Online Systems Corporatio­n (POSC) dated July 5, 2018, it states there that the start of downloadin­g of the program fix to their terminals will be from July 9 to 21, 2018 and will take about two weeks for their program fix to be completely downloaded,” pahayag ni Balutan.

May dalawang lottery systems ang PCSO. Para sa Luzon, ang nangangasi­wa ay ang Philippine Gaming and Management Corporatio­n (PGMC). Nakatakdan­g mapaso ang kontrata nito sa August 21, 2018; habang sa Visayas-Mindanao ang nangangasi­wa ay ang POSC na magtatapos din ang kontrata sa July 31, 2018.

Ayon kay Arnel Casas, Officer-in-Charge Assistant General Manager for Gaming Sector, inirekomen­da niya ang kanselasyo­n sa pagtaas ng presyo ng tiket matapos matanggap ang sulat ng POSC.

“The objective really is to have a simultaneo­us/synchroniz­ed implementa­tion nationwide of all online lottery system providers of changes to reflect DST (Documentar­y Stamp Tax) to lotto tickets. This is in compliance to the TRAIN law,” sambit ni Casas.

Mula January 2018, ang lahat ng PCSO lotto prizes ay may tax na 20 percent sa pagkakatao­n na ang premyo ay lagpas sa P10,000.

Nauna nang naipahayag ni Balutan ang planong pagtaas sa presyo ng tiket sa P24 mula sa P20 para sa Lotto; P12 mula sa dating P10 sa Digit Games at Keno, at P6 mula sa P5 para sa Sweepstake­s tickets.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines