Balita

‘Buddy Run’, handog ng Robinsons

-

TAGUMPAY ang isinagawan­g 11th Fit & Fun Wellness Buddy Run nitong Linggo sa parade grounds ng Camp Aguinaldo sa Quezon City.

Sumugod sa venue ang iba’’ t ibang tambalan tulad ng magulang, magulang at anak, magkapatid, maglolo’t lola, maghipag, magkaibiga­n, magkaopisi­na at magkapit-bahay sa 5K at 10K run.

“We are happy to provide an opportunit­y for people to start their wellness journey in a fun and one- of- a- kind event with their partners. After all, getting fit and choosing the healthier lifestyle is more worthwhile when shared with a buddy,” pahayag ni Jody Gadia, Robinsons Supermarke­t general manager.

Itinataguy­od ng Robinsons Supermarke­t, ang 11th Fit & Fun Wellness Buddy Run 5K race ay nagbigay ng top prize na trip for 2 to Siargao para sa tatlong araw at dalawang gabing pamamalagi na libreng hotel accommodat­ion, habang ang 2nd at 3rd placers ay tumanggap ng tig-P8,000 halaga ng Robinsons gift certificat­es.

Para sa 10K race podium finishers, ang nagwagi ay binigyan ng libreng tiket at tatlong araw at dalawang gabing pamamalagi sa HongKong, habang ang 2nd at 3rd placers ay binigyan ng tig-P15,000 halaga ng Robinsons gift certificat­es.

Bukod sa masayang pagtakbo, mas pinasaya ng Robinsons ang partisipas­yon ng mga kalahok sa pagbibigay ng grocery loot bags na nakauglian na sa Fit & Fun Wellness Buddy Run.

Naglalaman ang loot bags ng healthy products mula sa Nestle, Johnson & Johnson, Wyeth Nutrition, Abbott Nutrition, Fonterra at Unilab.

Ang fun run is ay bahagi ng pagpupursi­ge ng Robinsons Supermarke­t na mapaabot sa sambayanan ang buting naidudulot nang ehersisyo at pagkain na mabuti sa kalusugan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines