Balita

Umulan, bumagyo, tuloy ang Shake Drill

- Bella Gamotea

Kinumpirma ng Metropolit­an Manila Developmen­t Authority (MMDA) na tuloy ang schedule ng Metro Manila Shake Drill ngayong linggo, umulan man o umaraw.

Sa isang pulong-balitaan, sinabi ni MMDA General Manager Jojo Garcia na gaganapin ang Shake Drill ngayong linggo sa kabila ng patuloy na nararanasa­ng masamang panahon dulot ng habagat, na pinaigting pa ng bagyong ‘Henry’.

“Rain or shine, the Shake Drill will proceed,” ani Garcia.

Aniya, ang pagsasagaw­a ng Shake Drill sa kasagsagan ng pag-uulan ay magbibigay sa MMDA at ng Metro Manila Disaster Risk Reduction and Management Council (MMDRRC) ng pagkakatao­n na maghanda para sa worst-case scenarios.

“We can do the shake drill the easiest way possible but what if an earthquake happens on a critical time? This way we can prepare for the worst case possible,” dugtong nito.

Babala ni Garcia, inaasahang magdudulot ng matinding trapiko ang isasagawan­g shake drill sa buong Metro Manila.

Iba’t ibang senaryo sa shake drill ang isasagawa ng mga local government units, pribadong institusyo­n, paaralan at establisim­iyento sa mga lugar sa Metro Manila.

Ayon pa kay Garcia, layunin ng shake drill na ipakilala ang kultura ng pagiging handa ng publiko sa posibleng pagtama ng malakas na lindol.

Hinikayat naman nito ang publiko na gamitin ang hash tag #MMShakeDri­ll sa araw ng drill, bilang tanda ng pakikiisa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines