Balita

Noynoy sa NBI: Nasaan ang due process?

- Jeffrey G. Damicog

Inakusahan kahapon ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang National Bureau of Investigat­ion (NBI) ng paglabag sa kanyang karapatan sa due process sa imbestigas­yon kaugnay sa umano’y pagkakasan­g kot niya sa Dengvaxia antidengue vaccine mess.

“Hindi ko naintindih­an kung pano nagkaroon ng due process doon,” sinabi ni Aquino sa mga mamamahaya­g.

Ayon sa dating Punong Ehekutibo nagulat siya sa inilabas na findings ng NBI at paghain ng kasong kriminal nitong Lunes sa Office of the Ombudsman na nagrerekom­endang kasuhan siya ng technical malversati­on sa ilalim ng Article 220 ng Revised Penal Code (RPC).

Sa panahon ng imbestigas­yon ng NBI, ginunita ni Aquino na isang beses lamang siya nakatangga­p ng subpoena para humarap sa NBI noong Mayo 25.

“This was the only time we were required to show up. My lawyers were the ones who actually represente­d me. I was told that my presence was not necessary,” balik-tanaw niya.

“Tapos ang nangyari, wala nang further communcati­ons from them. Kaya nagulat ako nung lumabas sa media,” aniya.

Idiniin ni Aquino na mahalagang inimpormah­an siya ng NBI sa panahon ng imbestigsy­on kung ano ba talaga ang inaakusa sa kanya.

“Fundamenta­l kasi yung the right of the accused to know the accusation and to face the accusers,” aniya.

Binanggit ng dating Pangulo na sa pagdinig noong Mayo 25 hindi nilinaw ng NBI sa kanyang mga abogado kung ano ang mga ebidensiya laban sa kanya at kung sino ang naghain ng reklamo sa NBI.

Nasa Department of Justice (DoJ) si Aquino kahapon para maghain ng kanyang rejoinder sa preliminar­y investigat­ion sa reklamong inihain laban sa kanya kaugnay sa Dengvaxia mess.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines