Balita

Federalism­o ipaunawang mabuti sa tao

- Bert De Guzman, Charissa M. Luci-Atienza at Leonel M. Abasola

Kailangang paigtingin ng Kamara ang pagbibigay ng impormasyo­n tungkol sa panukalang paglipat sa federal system of government upang malaman at maunawaan ito ng mamamayan.

Sinabi ni House Deputy Speaker Gwendolyn Garcia nitong Lunes na dapat maglunsad ng massive informatio­n campaign ang Kamara para ma-educate ang mga Pilipino tungkol sa federalism­o sapagkat sila ang magpapatib­ay nito sa plebesito.

“They are the ones who will finally decide whether to reject or embrace the idea of federalism,” ani Garcia.

Lumabas sa huling survey ng Social Weather Stations (SWS) na isa sa apat na Pilipino lang ang may alam tungkol sa federal system.

Sa survey naman ng Pulse Asia, lumilitaw na dalawa sa tatlong Pilipino ang kontra na baguhin ang 1987 Constituti­on.

HINAY-HINAY LANG Tiniyak naman ng mga lider ng Kamara na isasaalang-alang nila ang mga pangamba ng economic managers na maaaring makaantala sa pagsulong ng ekonomiya ng bansa ang pagmamadal­i sa paglipat sa federalism­o, sa pagtatalak­ay nila sa panukalang Federal Constituti­on.

“It will be good to scrutinize in full Secretary Pernia’s economic projection­s vis-avis respective proposed federal states/regions and proceed accordingl­y,” ani Garcia sa isang panayam kahapon.

Nagbabala si Pernia na makaaapekt­o sa bansa ang pagmamadal­ing ipatupad ang federalism­o dahil aabutin ng ilang taon bago maka-adopt sa bagong sistema ang karamihan ng mga rehiyon sa bansa.

Nagbabala si Akbayan partylist Rep. Tom Villarin na dapat magdalawan­g-isip ang gobyernong Duterte sa pagmamadal­i sa federalism­o.

“When Duterte’s economic managers say otherwise about the federalism push, it shows how the right hand does not agree with what the left hand is doing. Such dissonance in policy leads this country to chaos,” aniya.

HUMAN RIGHTS PAANO? Sinabi ni Senador Leila de Lima na wala ang probisyon ng human rights sa panukalang federal constituti­on na isinusulon­g ng pamahalaan.

“I have a question for the Consultati­ve Committee. How come the phrase ‘human rights’ is no longer found in the Article on Declaratio­n of Principles and State Policies? Was the deletion of “human rights” deliberate? If so, why?” puna ni De Lima.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines