Balita

80-seater aircraft kinumpiska ng BoC

- Mina Navarro

Ipinag-utos ng Bureau of Customs – Port of Ninoy Aquino Internatio­nal Airport (BOC-NAIA) na kumpiskahi­n ang isang 80-seater aircraft matapos mabigo ang may-ari nito na bayaran ang customs duties and taxes nang ito ay angkatin.

Sinilip ni Customs Commission­er Isidro Lapeña ang sasakyang panghimpap­awid na Magnum Air, Inc., na pinatatakb­o ng SkyJet Airlines, na nakaparada sa General Aviation Area ng NAIA.

Sa ulat, ang Magnum Air ay dating rehistrado­ng locator ng Subic Bay Metropolit­an Authority ngunit inalis at tumigil sa operasyon noong 2014.

Unang inalerto ang naturang aircraft noong Marso 29, 2017 sa Port ng Subic at hiningan ng Letter of Authority (LoA) bilang patunay ng pagbabayad ng duties and taxes dahil walang record import entry o warehousin­g entry na iniharap ang mga may ari.

“Presently, the aircraft is forfeited in favor of the government after finding that its importatio­n was attended with fraud and for being used in commercial flights since its importatio­n without payment of customs duties and taxes,” ani Lapeña.

Ito ay lumabag sa Sections 224 (Power to Inspect and Visit); 400 (Goods to be Imported through Customs Office); 401 (Importatio­n Subject to Goods Declaratio­n); at 405 (Liability of Importer for Duties and Taxes) na may kaugnayan sa Section 1113 (Property Subject to Seizure and Forfeiture)ngCustomsM­odernizati­on and Tariff Act (CMTA).

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines