Balita

Bakit mahirap resolbahin ang Halili case?

- Aaron Recuenco

Bakit mabilis na naresolba ng mga pulis ang pagpatay kay General Tinio, Nueva Ecija Mayor Ferdinand Bote ngunit ang bagal ng pag-usad ng kaso ng pagpatay kay Tanauan City, Batangas Mayor Antonio Halili?

Ipinahayag ni Director General Oscar Albayalde, hepe ng Philippine National Police (PNP), ang dahilan.

Una, sinabi ni Albayalde na 'di tulad ng kaso ni Mayor Bote, walang saksi na makatutuko­y sa pagkakakil­anlan ng armado o sa sasakyang ginamit sa pagpatay kay Mayor Halili.

Pangalawa, aniya, ang closed- circuit television­s (CCTV) camera na nakakabit sa iba’t ibang lugar sa Cabanatuan City ang naging daan ng mga imbestigad­or para matunton ang mga armado.

"As a result, our police investigat­ors were able to identify the vehicles used and even some of those who participat­ed," said Albayalde.

Pangatlo, ang kaso ni Mayor Bote at maging ni Father Richmond Nilo, ang mga clue na nadiskubre ng mga imbestigad­or ang naging sanhi upang kumprontah­in at makorner ang mga posibleng suspek na kalaunan ay umamin at nagsimulan­g magsiwalat ng mga pangalan.

Sa kabila nito, sinabi ni Albayalde na patuloy ang pag-imbestiga ng awtoridad sa pagpatay kay Mayor Halili.

"There is a positive developmen­t on this case and we hope that this could also lead to the solving of the case," said Albayalde.

"We are also confident that the best practices that our police investigat­ors did in the investigat­ion on the case of Mayor Bote and that of Vice Mayor Alex Lubigan would help us crack the murder case of Mayor Halili," dagdag niya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines