Balita

Ang pagbubukas ng R150- M transport terminal sa lungsod ng Koronadal

-

INAASAHAN

ng lokal na pamahalaan ng Koronadal na mabubuksan na sa susunod na buwan ang proyektong P150 milyong halaga ng integrated transport terminal complex.

Ayon kay Koronadal City treasurer Marloun Gumbao, itinakda na ng lungsod ang pagbubukas ng pasilidad, na magiging isa sa pinakamala­ki at modernong terminal sa buong Mindanao, simula sa darating na Agosto 8.

Ayon kay Gumbao, natapos na ang pagtatayo ng terminal at inaasahang makukumple­to bago ang nakatakdan­g pagbubukas.

“I recently visited the site and I can say that it’s something that the city can really be proud of,” bahagi niya sa isang panayam sa radyo.

Nabanggit din ni Gumbao na ang kasalukuya­ng ipinatutup­ad na ordinansa sa lungsod ang inisyal na gagamitin para sa operasyon ng terminal, kasama na rito ang mga probisyong may kinalaman sa bayad.

Bagamat plano pa rin, aniya, ng lungsod na maglabas ng mga bagong polisiya at regulasyon para sa operasyon ng terminal at pamamahala nito, sa pamamagita­n ng ordinansan­g iminungkah­i sa Sanggunian­g Panlungsod ( city council).

Inaasahan namang matatagala­n pa ang pagpasa ng ordinansa dahil sa nakatakdan­g konsultasy­on kasama ng mga local stakeholde­rs.

Sa pagbubukas ng bagong transport terminal, sinabi ni Gumbao na ipag- uutos na ng lokal na pamahalaan ang pagsasara ng lahat ng mga pribadong terminal at ilipat ang operasyon sa bagong pasilidad ngayong taon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines