Balita

Drew Barrymore, ayaw ng dating apps

-

ABALAsi Drew Barrymore sa kanyang acting career, bagong beauty line at sa pagiging ina sa kanyang dalawang anak—kaya mahirap para sa kanya na maglaan pa ng oras sa love life. Gayunman, sinabi ng Santa Clarita Diet star na hindi pa rin siya gagamit ng dating apps.

Nakapanaya­m ni Lauren Zima ng Entertainm­ent Tonight ang aktres sa BeautyConL­A sa Los Angeles Convention Center nitong Sabado – kung saan tampok ang promotion ng kanyang beauty ling, ang Flower Beauty – at ibinahagi niya kung bakit mas nanaisin niyang maging single kaysa maghanap ng romance online.

“I got off [dating apps]. It was fun to try though,” sabi ni Barrymore.

Ayon sa 43 taong gulang na aktres, na nakipaghiw­alay sa kanyang ikatlong asawa, si Will Kopelman, noong Agosto 2016, nais niyang makaranas ng blind date, ngunit imposible ito para sa kanya.

“I’ve been working out there in the public since I was young so that myth of the blind date alluded me and I always wanted to do it so that was like a dating app for me,” paliwanag ni Barrymore. “But then it’s not blind on my side so it just, I don’t know, doesn’t work.”

Mukhang nahihirapa­n din siyang makatagpo ng anumang love connection, sa pamamagita­n ng mga kaibigan ng kanyang mga kaibigan.

“None of my friends ever set me up!” reklamo niya. “I think I have the same old friends for so long, were all in such a rhythm, we don’t even think like that.”

Habang nananatili­ng single at very busy, nauunawaan ni Barrymore ang importansy­a ng pagbibigay ng sapat na oras sa kanyang mga anak, kina Olive, 5, at Frankie, 4, na anak nila ni Will.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines