Balita

May taas at lakas ang Batang Gilas

- Marivic Awitan

SA pagkakatao­ng ito, titingalai­n na ang Pilipinas basketball team.

Bukod sa 7-foot-1 na si Kai Sotto ng Ateneo de Manila High School, kasama rin sa Batang Gilas na isasabak sa 2018 FIBA Under-18 Asian Championsh­ip ang 6-foot-8 na Filipino-Nigerian na si AJ Edu.

Nakatakdan­g dumating sa bansa si Edu, naunang napaulat na lalaro sa University of Toledo sa US NCAA, upang sumalang sa ensayo ng Batang Gilas bilangpagh­ahanda sa Asian tilt.

Makakasama nina Edu at Sotto, nanguna sa Team Philippine­s para sa 13th place finish sa 2017 FIBA Under- 16 Cup, sina Rhayyan Amsali (San Beda High School), Yukien Andrada (San Beda), Geo Chiu (Ateneo), Raven Cortez (De La Salle Zobel), Bismarck Lina ( University of Sto. Tomas), at Carl Tamayo (Nazareth School of National University).

Binubuo naman ang backcourt ng 20- man pool nina Gerry Abadiano ( NU), RC Calimag ( La Salle Greenhills), Terrence Fortea (NU), at Forthsky Padrigao (Ateneo), kasama rin ang 6-foot-1 Italy-based na si Dalph Panopio.

Miyembro rin ng Batang Gilas sina Nathan Chan (Xavier School), Dave Ildefonso ( NU), Joshua Lazaro (San Beda), Ramon Marzan (UST), Migs Oczon (NU), Joshua Ramirez (Chiang Kai Shek College), at Xyrus Torres ( Far Eastern University-Diliman).

Kabilang ang Batang Gilas sa Group B na kinabibila­ngan ng China, Lebanon, at United Arab Emirates. Nakatakda ang torneo sa Agosto 5-11 sa Thailand.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines