Balita

Batang Gilas, natameme sa Koreans

-

TAIPEI – Matikas na nakihamok ang Team Philippine­s- Ateneo, ngunit banderang-kapos laban sa South Korea, 90-73, nitong Lunes sa 2018 William Jones Cup sa Xinzhuang Gymnasium dito.

Itinuturin­g ‘perennial rival’ ng Pinoy sa internatio­nal meet, kumamada ang Koreans ng 10 sa 18 three-pointer.

Nakipagtag­isan ang Pinoy sa outside shooting, ngunit lima lamang sa 27 na tira sa threepoint area ang naibuslo ng Team Philippine­s.

Huling nakadikit ang Pinoy sa 71-79 mula sa fastbreak layup ni Thirdy Ravena may 6:00 minuto ang nalalabi sa final period. Ngunit, tuluyang nakalayo ang Korean mula sa back- to- back three-pointer nina Heo Ilyoung at Heo Ung.

Tumapos si Ravena na may 14 puntos, limang steals, apat na rebounds, at apat na assists, habang kumana si Ivorian reinforcem­ent Angelo Kouame ng 10 puntos at 16 rebound.

Nagawang manalo ng Team Philippine­s laban sa ChineseTai­pei Team sa opening game. Sunod na makakahara­p ng Pinoy ang Canada Martes ng gabi.

Nanguna sa Koreans si Ricardo Ratliffe sa naiskor na 15 puntos at pitong rebounds.

Iskor: South Korea (90) - Ratliffe 15, Heo I 15, Heo U 12, Lee J 9, Heo H 6, Kang 6, Jeon 6, Kim J 6, Park 5, Choi 4, Lee S 4, Kim S 2.

RP- Ateneo ( 73) - Ravena 14, Nieto 12, Kouame 10, Wong 9, Verano 5, Mendoza 5, Go 5, Navarro 5, Maagdenber­g 3, White 3, Mamuyac 2, Andrade 0. Quartersco­res: 26-22, 50-41, 70-60, 90-73

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines