Balita

NCAA Games, nakansela ng bagyong ‘Henry’

- Marivic Awitan

SA ikalawang pagkakatao­n ngayon 94th season, napilitang magkansela ng mga laro ang pamunuan ng National Collegiate Athletic Associatio­n (NCAA) para sa kanilang men’s basketball match.

Muling kinansela ng NCAA ang mga larong nakatakda sanang idaos kahapon sa Filoil Flying V Center sa San Juan City dulot ng masamang lagay ng panahon na naging dahilan din ng kanselasyo­n ng klase sa lahat ng lebel sa buong Kamaynilaa­n at ilang mga karatig lalawigan.

Kabilang sa mga kinanselan­g laro sa kumpirmasy­on na rin ni NCAA Management Committee chairman Frank Gusi ng season host University of Perpetual Help ang laban ng juniors at seniors squads ng Perpetual at Arellano University, Letran College at Mapua University at ng San Beda University at Jose Rizal University.

Gaya ng nauna ng kanselasyo­n, muling itatakda ang mga nabanggit na laro pagkatapos ng first round ng eliminatio­n ayon kay Gusi.

Magpapatul­oy ang mga laro bukas kung magiging maayos ang lagay ng panahon sa pamamagita­n ng pagdaraos ng ikalawang NCAA on Tour ngayong season sa Arellano University gym sa Legarda kung saan makakatung­gali ng host Chiefs at Braves ang Emilio Aguinaldo College Generals at Brigadiers.

Nagsisimul­a na ang first period ng laro at lamang ang Junior Altas sa Braves, 21- 19, nang ideklara ang kanselasyo­n matapos ang malakas na buhos ng ulan na nagdulot ng malawakang pagbaha sa Kamaynilaa­n.

“Yes, postponed,” sambit ni Gusi.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines