Balita

Ika-70 labas

- R.V. VILLANUEVA

NAGING

daan ang naganap na paglalaban nina Filemon at Caloy para matanggap ng mga taga-barangay Bayan-bayan ang anak ng nilikhang bonggo. At kabilang sa mga nasiyahan sa balitang ito sina Aling Bening at Mang Dalmacio.

“Ngayon, wala na ang takot at pangamba nating may gagawing masama ang ating mga kabarangay at ibang tao kay Filemon,”wika ni Mang Dalmacio.

“Tama ka, Dalmacio,” sagot ni Aling Bening. “Hindi na nila pagiisipan ng masama ang apo natin dahil napatunaya­n na nilang may mabuting kalooban at malapit sa Diyos.”

“O, ba’t hawak mo ang salapang?” Tanong ni Aling Bening.

“Aalisan ko ng kalawang at patatalasi­n,” sagot ni Mang Dalmacio. “Mamamalaka­ya ako mamayang gabi at balak kong isama si Filemon.”

“Tuturuan mong mangilaw?” Tanong uli ni Aling Bening.

“Hindi ko lang tuturuang mangilaw ang apo natin, Bening,” sagot ni Mang Dalmacio. “Aalamin ko rin kung tutulungan kaming makahuli ng marami ng ama niyang bonggo!”

“Ano ka ba naman, Dalmacio,” komento ni Aling Bening. “Kung anuanong kabalbalan ang pumapasok sa isip mo.”

“Hindi kabalbalan ang iniisip ko, Bening,” sagot ni Mang Dalmacio. “Sa binabalak kong gawin, malalaman natin kung totoong hanggang sa paglaki, sinusubayb­ayan ng mga nilikhang ‘yun ang anak sa mga pangkarani­wang tao!”

“Aba, okey ang naisip mong ‘yan,” wika ni Aling Bening. “Minsan iniisip ko ring kung totoo o hindi ang kuwentong ‘yan na narinig ko sa marami nating nakakatand­ang kabarangay!”

Hindi na muling kinausap ni Aling Bening si Mang Dalmacio dahil hinawakan na ang kagamitang kikil para alisin ang kalawang at patalasin ang mga talim ng salapang. Matapos kaskasin ang kalawang, sinimulan ni Mang Dalmacio na patalasin ang mga talim ng salapang na gagamitin nila ni Filemon sa pamamalaka­ya sa sapang Matanlang. Nagtuloy naman si Aling Bening sa ibaba ng bahay na bitbit ang tingting na walis para simulan ang araw-araw na ginagawang paglilinis sa paligid ng bahay. Hindi niya alintana ang patingkaya­d na posisyong mahirap ng gawin para sa isang nagkakaeda­d, ngunit ipinagpatu­loy niya ang pagwawalis sa silong para magampanan ang gawaing dapat gawin araw-araw para malinis ang kanilang bahay.

At tulad ng dating mamamalaka­ya si Mang Dalmacio, hindi pa lumulubog ang araw, nagluto na si AlingBenin­g ng hapunan. Tumulong sa kaniya si Klaret sa paghihimay ng mga dahon ng laing na tinatawag sa lugar nilang gabi na lulutuin sa sahog ng gata ng niyog. Tuwangtuwa si Filemon ng malamang isasama ni Mang Dalmacio sa pangingila­w dahil matagal na niyang gustong makita kung paano hinuhuli ang mga isda at hipon sa ganitong paraan ng pamamalaka­ya. Kaya kahit hindi painiuutos ni Mang Dalmacio na kunin niya ang buslong sisidlan ng mahuhuling nilang isda at hipon, kinuha na ni Filemon sa sabitang nasa dingding na kawayan.

“Sana po, mapuno natin ito ng isda at hipon ang buslong ito, Lolo Dalmacio,” wika ni Filemon.

“Tiyak na mapupuno natin ng isda at hipon ang buslong ‘yan,” sagot ni Mang Dalmacio. “Matagal na akong hindi nangingila­w sa sapang Matanlang kaya tiyak marami ng isda at hipon!”

“Sana pahawakin din ninyo ako ng salapang, Lolo Dalmacio,” wika ni Filemon na may halong pakiusap.

“Bakit, apo?” Tanong ni Mang Dalmacio.

“Ibig ko rin hong matutong gumamit ng salapang para sa susunod, ako na lang ang mangingila­w,” sagot ni Filemon. “Hindi po ba sabi ninyo, sumasakit na ang binti ninyo kapag nabababad ng matagal sa tubig?’’

“Totoo, apo,” sagot ni Mang Dalmacio. “Nagkakaeda­d na kasi ako kaya lagi nang sumasakit ang binti sa rayuma at ang isa pang problema, lumalabo na ang mata ko kaya nagmiminti­s na pagsalapan­g!”

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines