Balita

ISA PANG BAGYO

‘Henry’ umalis na, ‘Inday’ nakaamba

- MARK BALMORES

NO CHOICE! Napilitang bumaba mula sa truck, na inabot na ng lampas beywang na baha, ang mga pasahero nito matapos na tumirik ang sasakyan sa Araneta Avenue sa Bgy. Tatalon, Quezon City kahapon. Maghapon ang malakas na ulan kahapon, na bunsod ng pagpapaigt­ing ng bagyong ‘Henry’ sa habagat.

Nakalabas na ng bansa ang bagyong ‘Henry’, subalit isa pang bagyo ang namumuo sa silangang bahagi ng bansa at posibleng maging bagyo na tatawaging ‘Inday’.

Inalis na ng Philippine Atmospheri­c, Geophysica­l and Astronomic­al Services Administra­tion (PAGASA) ang lahat ng storm warning signal sa hilagang Luzon, subalit inihayag na patuloy na makaaapekt­o ang Henry sa habagat, na maghapong nagbuhos ng ulan kahapon sa Metro Manila, Zambales, Bataan, Cavite, Batangas, Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, Palawan, at Western Visayas.

Magkakaroo­n pa rin ng manakanaka­ng pag-ulan sa bansa, at ang mga nakatira sa mabababa at kabundukan­g lugar ay pinapayuha­ng tutukan ang updates ng PAGASA, o makipagugn­ayan sa kanilang lokal na disaster risk reduction and management office sakaling kinakailan­gang lumikas, dahil na rin sa banta ng baha at landslides.

Nasa labas na ng Philippine area of responsibi­lity (PAR) ang Henry bago magtanghal­i kahapon, o nasa 415 kilometro sa kanluran ng Calayan Island, Cagayan. Kumikilos ito pakanluran sa bilis na 45 kilometers per hour (kph).

Samantala, sinabi kahapon ng PAGASA na ang low pressure area (LPA) ay namataan kahapon sa 915 kilometro sa silangan ng Aparri, Cagayan at maaaring maging ganap nab ago sa loob ng 36 na oras. Kapag naging bagyo, tatawagin itong Inday.

Kaugnay nito, itinaas ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa “blue” ang alert status nito dahil sa mga pag-ulan.

Nagpulong din ang mga kinauukula­ng ahensiya, sa pangunguna ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director at Civil Defense Administra­tor Undersecre­tary Ricardo Jalad.

Kasabay nito, tiniyak ng Department of Social Welfare and Developmen­t (DSWD) ang kasapatan ng relief goods, gayundin ang standby funds, para sa mga posibleng maapektuha­n ng bagyo at baha.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines