Balita

Pulis napatay sa buy-bust

- Ni FRANCO G. REGALA

CAMP OLIVAS, Pampanga – Patay ang isang pulis at ang inaareston­g tulak sa anti-drug operation sa Gen. Tiñio, Nueva Ecija, nitong Lunes ng gabi.

Kinilala ni Chief Supt. Amador V. Corpus, Central Luzon police director, ang napatay na pulis na si Police Officer 1 Mariano Emmanuel Caparas, miyembro ng Gen. Tiñio Municipal Police Station (MPS), habang ang napatay na suspek ay si alyas Abet.

Ayon kay Corpus, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng General Tiñio Municipal Police Station sa Sitio Saudi, Barangay Pias, Gen. Tinio, Nueva Ecija na nauwi sa shootout at ikinamatay ni Abet habang nalagutan naman ng hininga si PO1 Caparas sa tinamong mga bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sinabi ni Corpus na si PO1 Caparas ay isinugod sa Medicare Community Hospital kung saan ito idineklara­ng dead on arrival.

Narekober sa pinangyari­han ang isang Glock 9mm pistol, sampung caliber 9mm spent shells, isang basyo ng bala, isang itim ba Kawasaki Bajaj motorcycle (9846- II), at isang pakete ng hinihinala­ng shabu.

"This is unfortunat­e news for us as one of our members was killed in line with our diligent efforts to stop the proliferat­ion of illegal drugs and while nothing can make up for his loss, along with our deepest condolence­s, we assure his bereaved family that they will get the necessary benefits that is due for them. Still, we are committed in our waging war against illegal drugs and we will continue to be relentless in our campaign at all costs," sabi ni Corpus.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines