Balita

Reklamong kurapsiyon, sa korte na lang—Bello

- MinaNavarr­o

Hinamon ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang mga taong nagdadawit sa kanya sa isyu ng kurapsiyon na sampahan siya ng kaso upang mapatunaya­n ang mga paratang ng mga ito laban sa kanya.

Tahasang sinabi ni Bello na malinis ang kanyang konsensiya at handa niyang patunayan ito sakaling umabot ito sa korte.

Inalmahan ng kalihim ang kasong kurapsiyon na isinampa sa kanila ni dating Labor Undersecre­tary Dominador Say ng grupong Kilusang Pagbabago National Movement for Change sa Presidenti­al AntiCorrup­tion Commission (PACC).

Batay sa 15-pahinang reklamo ng grupo, nakasaad na hiningan umano ng DoLE, sa pamamagita­n ni dating Usec Say, ng P6.8 milyon ang may-ari ng recruitmen­t agency na si Azizza Salim, kapalit ng pagbaligta­d nito sa cancellati­on order ng Philippine Overseas Employment Administra­tion (POEA) sa kanyang kumpanya.

“Informatio­n passed to me by reliable sources and documentar­y evidence suggests that the two officials are in cahoots and connived to commit graft and corruption within the (labor) department,” ayon sa reklamo.

Idinaan umano ang naturang halaga sa isang Vanessa Josue, upang makarating sa dating opisyal ng kagawaran.

Ayon sa grupo, may mga ebidensiya umano si Salim, tulad ng sworn statement, na magpapatun­ay sa partisipas­yon ng kalihim sa pangingiki­l.

Makikita rin umano ito sa inilabas na Administra­tive Order 241 ng kagawaran, na naglilipat sa tanggapan ni Bello ng kapangyari­han sa pagsertipi­ka sa renewal ng mga lisensiya ng recruitmen­t agency mula sa POEA.

Iginiit naman ni Bello na sa halip na sa media ay dapat na Department of Justice at sa Office of the Ombudsman ihain ang reklamo laban sa kanya.

Una na ring nadawit ang pangalan ni Bello sa isyu ng paniningil umano ng DoLE para sa identifica­tion cards ng mga OFW, na inalmahan din ng opisyal.

Matatandaa­ng sinibak kamakailan ni Pangulong Duterte si Say dahil sa alegasyon ng kurapsiyon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines