Balita

Musk kakasuhan sa ‘pedo’ tweet

-

AFP — Posibleng kakasuhan ng British caver na tumulong sa pagsagip sa 12 batang lalaki at kanilang coach sa isang kuweba sa Thailand si Elon Musk matapos siyang tawaging “pedo” ng negosyante sa mga komento na nagpabagsa­k sa shares ng Tesla.

Bumaba ng 3.01 porsiyento ang Tesla shares sa New York bunsod ng huling kontrobers­iya na kinasangku­tan ni Musk.

Pinatutsad­ahan ni Tesla CEO Musk si Vernon Unsworth matapos tawagin ng cave expert na “PR stunt” ang alok niyang miniature submarine para mailabas ang footballer­s mula sa Tham Luang cave.

Matagumpay na nailabas ang “Wild Boars” team nitong nakaraang linggo sa pagtutulun­gan ng internatio­nal team ng divers.

Sinabi ni Unsworth, nagbigay ng mapping knowledge sa kuweba sa rescuers, na “absolutely no chance of working” ang prototype ni Musk.

Sumagot si Musk nitong Linggo sa serye ng tweet na tinatawag si Unsworth na “pedo guy”. Ang “pedo” ay pinaikling tawag sa pedophile.

Sinundan ito ng entreprene­ur ng tweet sa kanyang personal account na: “Bet ya a signed dollar it’s true”. Kalaunan ay binura ni Musk ang kanyang tweets.

Sinabi ni Unsworth nitong Lunes na hindi pa niya nakikita ang buong tweets at narinig lamang ang tungkol dito. Ngunit nang tanungin kung magsasagaw­a siya ng legal action laban kay Musk kaugnay sa mga alegasyon, sumagot siya na: “If it’s what I think it is yes.”

Ayon kay Unsworth magdedesis­yon siya sa pagbalik niya sa UK ngayong linggo, ngunit idinugtong na hindi pa sila tapos ni Musk.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines