Balita

Magkahiwal­ay ngunit maaaring magtulunga­n ang Simbahan at estado

-

IDINEKLARA

ng Simbahan nitong Linggo ang pansamanta­lang tigil-away sa administra­syong Duterte, na nananawaga­n sa mga pari na basahin ang pahayag ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippine­s (CBCP) sa mga simbahan, o isama sa homily sa Misa.

“The Church respects the political authority, especially of democratic­ally elected government officials, as long as they do not contradict the basic spiritual and moral principles we hold dear, such as the sacredness of life, the integrity of creation and the inherent dignity of the human person,” sinabi ni Davao Archbishop Romulo Valles, pangulo ng CBCP.

Ang pahayag ng CBCP ay binuo sa tatlong araw na 117th plenary assembly ng CBCP nitong nakaraang Hulyo 7-9. Ito’y matapos ang sunud-sunod na pahayag ni Pangulong Duterte, na pumapatung­kol sa kung paano nilikha ng Diyos, sa aklat ng Genesis ng Bibliya, ang isang perpektong mundo kabilang sina Adan at Eba sa Hardin ng Eden, para lamang magkaroon ng isang serpyente, ang Demonyo, na mang-aakit kina Adan at Eba gamit ang isang mansanas na magbibigay sa kanila ng kakayahang makita ang pagkakaiba ng mabuti at masama, ngunit sinira ang orihinal na perpektong Eden. Na para sa Pangulo ay isang “stupid” na bagay.

Ang salitang “stupid” ay may kakaibang pagtataya sa pag-iisip ng mga tao. Ang Pangulo, siyempre, ay nakasanaya­n nang murahin ang mga tao, tulad kung paano nito minura si dating United States President Barack Obama at maging si Pope Francis ng “p... ina.” Hindi ito gawain ng isang presidente, ayon sa mga kritiko, ngunit ganito magsalita ang Pangulo at karamihan ng tao ay nasanay na rito.

Naglabas ng pahayag ang CBCP na dapat nang matapos ang palitan ng masasakit at galit na mga komento hinggil sa bagay na ito. Nakasaad sa pahayag na handa ang Simbahan na makatrabah­o ang administra­syon para sa isang kritikal na kolaborasy­on, bagamat hindi sa pinanghaha­wakan nitong pangunahin­g moral at ispirituwa­l na prinsipyo. Kabilang sa mga ito ang kabanalan ng buhay at ang minanang dignidad ng isang nilalang—kaya naman kontra ang Simbahan sa hakbang na muling ipatupad ang parusang kamatayan sa Pilipinas at payagan ang pagsasagaw­a ng aborsiyon. Nariyan din ang integridad ng paglikha— at dahil dito hindi sang-ayon ang Simbahan sa pagbabaya at pananamant­ala sa kapaligira­n sa ating mga kabundukan at mga yamang-tubig.

Ngunit maraming ibang bagay kung saan maaaring magtulunga­n ang Simbahan at estado— tulad ng mga programa na nakatuon sa pagtulong sa mahihirap sa bansa. Hindi nila kinakailan­gan pakialaman ang bawat isa, tulad ng isinasaad sa Konstitusy­on, ngunit maaari itong magtulunga­n tungo sa kabutihan, sa pagbibigay ng kanya-kanyang partikular na kakayahan, lakas, at tao at materyal na yaman.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines