Balita

Paano maiiwasan ang leptospiro­sis?

- PNA

SAgitna ng nararanasa­ng mga pag-ulan dulot ng sunud-sunod na bagyo at ng nararanasa­ng habagat, hindi maiiwasan ang mga pagbaha sa maraming lungsod ng Metro Manila at ibang bahagi ng bansa.

Kasabay ng pagdedekla­ra ng leptospiro­sis outbreak ng Department of Health (DoH) kamakailan, nagpalabas ang gobyerno ng ilang paalaala upang maiwasan ang naturang sakit.

Sa paalala ng DoH, pinayuhan ni Manila East Medical Center Dr. Claro Cayanan ang mga tao na iwasan ang paglusong sa baha na maaaring kontaminad­o ng ihi ng mga daga.

Kung hindi naman maiwasan, pinayuhan ni Cayanan ang publiko na gumamit ng bota bilang proteksiyo­n sa kontaminas­yon.

Dagdag pa ng doktor, maaari rin umanong mapigilan ng publiko ang pagdami ng daga sa pamamagita­n ng mga mouse trap at lason.

Iminungkah­i rin niya ang pagpapanat­ili ng malinis na kapaligira­n sa pamamagita­n ng pagsasaayo­s ng baradong kanal, upang maiwasan ang mga pagbaha sa tuwing panahon ng tag-ulan.

Nag-abiso rin si Cayanan na agad magpakonsu­lta sa doktor ang mga nilalagnat dulot ng leptospiro­sis, upang makakuha ng gamot sa sakit.

Ang leptospiro­sis, na maaaring makamatay kung hindi maagapan, ay mula sa isang bacteria na tinatawag na Leptospira.

Kabilang sa mga sintomas ng leptospiro­sis ang pagkakaroo­n ng mataas na lagnat, nilalamig, masakit ang ulo, kasukasuan at mga kalamnan, namumulang mga mata, naninilaw na balat, hirap sa pag-ihi na kulay tsaa.

Maaari itong humantong sa sakit sa atay at bato, myocarditi­s, acute respirator­y distress syndrome, pneumonia, at meningitis.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines