Balita

Ellen walang pagsisisi

- Ni ADOR V. SALUTA

DISMAYADO

pa rin si Myra Santos sa kawalan ng pagsisisi ng sexy actress na si Ellen

Adarna, na nag- akusa na paparazzi ang menor de edad niyang anak na babae.

Kaugnay ito ng mga reklamong child abuse at paglabag sa Anti- Cybercrime Law na inihain ni Myra at ng kanyang asawang si

Roel Santos laban kay Ellen noong May 14.

Nitong Lunes, July 16, isinumite ni Myra sa Pasig Prosecutor’s Office ang kanyang reply sa counter- affidavit na inihain ng kampo ni Ellen noong July 9.

Sa pakikipagp­alitan ng mensahe ng PEP kay Myra, sinabi niyang hindi pa rin humihingi ng dispensa si Ellen, o kahit na magbigay man lang ng paliwanag sa nangyaring insidente.

“We filed our reply today,” sabi ni Myra. “July 23 is the last hearing for the cases we filed. We are hoping that soon our quest for justice will be realized.”

Hindi na idinetalye ni Myra kung ano ang nilalaman ng counter-affidavit ni Ellen.

Sa hiwalay na panayam ng TV5 entertainm­ent reporter na si MJ Marfori, inihayag ni Myra na sumailalim sa therapy ang kanyang 17- year- old daughter matapos ang kontrobers­iyang kinasangku­tan nito at ni Ellen.

“Of course, hindi siya ( dalagita) happy dahil nangyayari itong mga bagay na ito. Sa every day na ginagawa niya, nagkaroon ng mga restrictio­ns,” sabi ni Myra.

Nanindigan din si Myra sa desisyong ipaglaban ang karapatan ng anak sa legal na paraan.

“Siyempre para sa anak natin, we’ll do whatever. So as long as alam natin na nasa tama tayo, we need to fight for our right.”

Apat na beses na no-show si Ellen sa preliminar­y hearing para sa mga nasabing reklamo na kinahahara­p nito sa Pasig Prosecutor’s Office.

Sa ginanap na preliminar­y hearing noong July 9, kinumpirma ng legal counsel ni Ellen na si Atty. Rene “Rebo” Saguisag Jr. na nanganak si Ellen nitong June 27.

Hindi pa raw kayang ibiyahe ni Ellen ang kanyang bagong silang na baby. Mariin din itinanggi ni Atty. Saguisag na “play for delay” o delaying tactics ang ginagawang hindi pagsipot ni Ellen sa mga pagdinig.

Dagdag pa ng abogado, base sa July 9 interview ni MJ: “Mahirap naman ibiyahe ‘yung sanggol. Pero kung tatagal sana ‘yung pag-file ng rejoinder… Gusto nga niya (Ellen) humarap in time for us to file a rejoinder. ‘Yun po ‘yung sagot sa reply kung sakali.”

 ??  ?? Ellen
Ellen

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines