Balita

Dede si Kylie, Dada si Aljur

- Nitz Miralles

KUWENTO ni Kylie Padilla, pinapanood pa lang niya ang The Cure, at hindi pa siya kinukuha para isama sa cast ay may feeling siya na mapapasama siya sa serye.

Nagkatotoo naman ang inisip ni Kylie, at masaya siya sa role at character niya sa comeback teleserye niya after niya manganak sa baby nila ni Aljur Abrenica.

“Masaya akong mapasama sa The Cure, dahil mahilig ako sa zombie. Kahit hindi zombie ang The Cure. Mahilig din ako sa action at gusto ko ang action at nagpapasal­amat ako kay Direk Mark ( Reyes) dahil binigyan niya ako ng freehand kung paano ko aatakehin ang character ko,” wika ni Kylie.

May tattoo sa kanyang right arm si Kylie, pero walang dapat ipag- react ang supporters ng aktres dahil hindi permanent ang nasabing tattoo, at isang linggo lang tumatagal at nabubura na.

Isinasama pala ni Kylie ang anak na si

Alas sa taping niya, dahil hindi siya kumportabl­e na naiiwan sa bahay ang bata. Idagdag din na nagbe-breastfeed pa rin ang aktres, at sa August 4 ay one year old na si Alas.

Natatawang ikinuwento ni Kylie na dahil nagpapaded­e siya kay Alas ay “Dede” ang tawag nito sa kanya, at “Dada” naman ang tawag ng bata kay Aljur.

Sa tanong kung ilan ang gusto niyang anak, mabilis ang sagot ni Kylie: “Gusto ko ng maraming anak. Mga four to six ang gusto kong anak. Sabi nila, bago ako mag-30 years old, mag-anak na ako. I’m 25 years old now. I still have five years para sa number of kids na gusto ko.”

 ??  ?? Kylie at Baby Alas
Kylie at Baby Alas

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines