Balita

Mayweather, George Clooney nanguna sa world’s highest paid entertaine­rs

-

LOSANGELES (Reuters) - Ang American boxer na si Floyd Mayweather ang pinangalan­ang world’s highest-paid entertaine­r nitong Lunes sa listahan na pinagalawa­han ng aktor na si George Clooney. Pumangatlo ang reality star na si Kylie

Jenner, 20, sa annual Forbes Celebrity 100 list, bunga ng kanyang booming cosmetics line, na ayon sa Forbes, ay inilagay siya sa daan patungo sa pagiging youngest self-made billionair­e sa Amerika.

Tinipon ng Forbes ang 2018 list nito na tinataya ang pre-tax earnings mula Hunyo 2017 hanggang Hunyo 2018, bago ibinawas ang fees para sa managers, batay sa datos mula sa Nielsen, touring trade publicatio­n na Pollstar, movie database na IMDB, at mga panayam sa industry experts at sa mismong celebritie­s.

Kumita si Mayweather ng $285 million sa nasabing panahon, bunga ng panalo niya sa kanyang comeback fight noong Agosto 2017 laban sa mixed martial arts champion na si Conor McGregor.

Ang Oscar-winning star na si George ay kumita ng tinatayang $239 million matapos ibenta ang Casamigos tequila company, na katuwang niya sa pagtatatag ang British spirits company na Diageo noong Hunyo 2017. Sinabi ng Forbes na ang sale ay nagbigay kay George ng best annual earnings sa 35-taong career niya.

Sinabi ng Forbes na ang entertaine­rs sa kanyang 2018 Celebrity 100 list ay kumita ng pinagsaman­g $6.3 billion bago ang buwis, tumaas ng 22 porsiyento kumpara sa listahan noong nakaraang taon. Karamihan ng highest earners ay celebritie­s na isinulong ang kanilang brands sa pamamagita­n ng side ventures at kanilang social media presence.

“There’s never been a more lucrative time to be famous than now, with 11 superstars earning $100 million or more over the past year,” saad sa pahayag ni Zack O’Malley Greenburg, senior entertainm­ent editor ng Forbes.

“Entertaine­rs have found all sorts of new ways to monetize their audiences, especially with the help of social media,” dugtong niya. Halos dinoble ni Dwayne “The Rock”

Johnson ang kanyang earnings mula sa nakaraang taon para pumuwesto sa ikalima sa tinatayang kinita na $124 million. Sinabi ng Forbes na ang earnings ng Jumanji at Fast & Furious star ay ang pinakamala­king acting-related earnings na naitala nito sa loob ng 20 taon.

Ang top earner sa listahan noong nakaraang taon, ang musikerong si Sean Diddy Combs, ay nahulog sa No. 32 sa bagong listahan. Ang kanyang kinita sa 2017 list ay pinalobo ng tour at sale ng bahagi ng kanyang Sean John clothing line, ayon sa Forbes.

Maganda ang kita ng musicians at athletes. Nasa top 10 ang Irish band na U2, British band na

Coldplay at British singer na si Ed Sheeran. Ang soccer players na sina Lionel Messi at Cristiano

Ronaldo ay kumita rin ng mahigit $100 million, ayon sa Forbes.

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines