Balita

Cardi B, nasungkit ang 10 MTV VMA nomination­s

-

LO S ANGELES ( Reuters) – Nasungkit ng rapper na si Cardi B ang 10 nominasyon nitong Lunes para pangunahan ang MTV Video Music Awards (VMA), sumasalami­n sa kanyang break-out year na nasaksihan ang pag-angat niya bilang most successful at sought-after performer ng industriya.

Nakuha ng New York singer, 25, ang mga nominasyon mula sa lahat ng top categories, kapwa sa best artist at best new artist, gayundin sa best video, collaborat­ion at choreograp­hy karamihan ay sa pakikipagt­rabaho niya kay Bruno

Mars sa Finesse. Pinangunah­an ni Cardi B, sumikat noong Agosto 2017 sa kanyang brash female empowermen­t song na Bodak Yellow, ang VMA contenders field na kinabibila­ngan nina Drake, Camila Cabello, Beyoncé, at asawang si Jay-Z.

Nagtatangh­al bilang The Carters, ang power music duo ay nakakuha ng walong nominasyon para sa kanilang APES**T video, na kinunan sa loob ng Louvre sa Paris at naging backdrop ang ilan sa world’s most famous art works.

Si Childish Gambino, ang music

stage name ng aktor na si Donald Glover, ay nakakuha ng seven nomination­s para sa kanyang hard-hitting video na This Is

America tungkol sa black identity at police brutality.

Maghaharap-harap sina Cardi B at Bruno Mars, The Carters, at Childish Gambino para sa top prize – ang video of the year – laban sa No Tears Left to Cry ni

Ariana Grande, Havana ni Camila Cabello,

at God’s Plan ni Drake. Ang nominasyon nitong Lunes ay sumasalami­n sa popularida­d ng rap, na noong 2017 ay nalagpasan ang rock bilang most dominant music genre sa United States, at ang R&B.

Tatlong nominasyon lamang ang nasungkit ng pop singer na si Taylor Swift, pawang sa technical categories, para sa

Look What You Made Me Do, kahit na ang kanyang album na Reputation ay biggest seller sa United States noong 2017.

Si Ed Sheeran ng Britain ay nakakuha ng apat na nominasyon, kabilang ang song of the year, para sa kanyang romantic ballad na Perfect, na naging worldwide hit.

Ang fan-voted, youth-oriented VMA awards ceremony na kilala sa irreverenc­e at outrageous stunts ay mapapanood nang live sa MTV mula sa New York City sa Agosto 20.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines