Balita

‘Tulak’ todas sa Quezon encounter

- Fer Taboy

Patay ang isang hinihinala­ng drug pusher matapos umanong manlaban sa pulisya sa Lucena City, Quezon, kahapon.

Sa report ng Lucena City Police Office (LCPO), nakilala ang napatay na si Rainier Nagadia, alyas “Migs”, ng Barangay Ibabang Iyam, Lucena City.

Sa report ng LCPO, isinagawa ang buy-bust operation sa Bgy. Ibaba Iyam sa nabanggit na lungsod, dakong 3:00 ng umaga.

Iang pulis ang nagsilbing buyer kay Nagadia ngunit nakahalata umano ang huli na isa palang pulis ang katransaks­iyon nito.

Dahil dito, binaril umano ng suspek ang mga pulis na nakipagbar­ilan din sa kanya na nagresulta sa pagkasawi niya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines