Balita

SBP aapela para kay Clarkson

- Ni MARIVIC AWITAN

KAHIT walang kasiguruha­n ay nakipagsap­alaran si national coach Yeng Guiao at ang Samahang Basketbol ng Pilipinas ( SBP) nang kanilang isama sa 12- man line- up ng bansa sa Asian Games men's basketball competitio­n ang Filipino American Cleveland Cavaliers guard na si Jordan Clarkson.

Gayunman, base sa mga ulat na naglabasan kahapon at ilang mga source mula mismo sa NBA na hindi pinayagan si Clarkson na makapaglar­o para sa Pilipinas sa Asian Games.

Sang- ayon sa source, binigyan lamang si Clarkson ng clearance ng NBA upang makapaglar­o sa Philippine Team para sa FIBA World Cup qualifying tournament sa Setyembre bago magsimula ang panibagong NBA season sa Oktubre.

Gayunman, nag- apela na umano ang SBP sa NBA upang mapahintul­utan na maglaro sa Asian Games si Clarkson.

Isinama si Clarkson sa 12man roster na kinabibila­ngan nina Chris Tiu, Maverick Ahanmisi, Beau Belga, Raymond Almazan, Gabe Norwood, James Yap, Poy Erram, Christian Standhardi­nger, Paul Lee, Stanley Pringle, at Asi Taulava.

Dahil dito napasama sa natanggal sa roster si TNT guard Don Trollano kaama ng mga Gilas cadets na sina Ricci Rivero at Kobe Paras.

Bagamat nabigyan na ng clearance ng Indonesian Games Organizing Committee si Clarkson, hinihintay pa rin ng SBP ang tugon mula sa NBA hanggang kahapon.

Sakaling mabigong ma clear si Clarkson , ang backup plan ay isingit si Trollano sa roster. "If the organizers will allow it, we'll add [ Trollano] so we'll have 12 players. If not, it's okay that we only have 11," ayon kay Guiao.

Kung papalarin namang makalaro si Clarkson, walang nakikitang probema dito si Guiao dahil naniniwala syang madali itong makakapag adjust sa taglay nitong mataas na basketball IQ.

Nakatakdan­g umalis ngayong araw na ito patungong Jakarta ang koponan apat na araw bago ang una nilang laro kontra Kazahkstan sa Agosto 16.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines