Balita

SIBAK SA NPA ATTACK!

Regional, provincial directors, at buong Lapinig Police

- Ni MARTIN SADONGDONG May ulat ni Nestor Abrematea

Iniutos na kahapon ni Philippine National Police (PNP) Chief Drector General Oscar Albayalde na sibakin sa puwesto ang mga opisyal ng pulisya sa Northern Samar, kabilang na ang buong tauhan ng Lapinig Municipal Police Station (LMPS) na nilusob ng 100 kaanib ng New People’s Army (NPA), nitong Biyernes ng madaling araw.

“[A]n investigat­ion went underway into the circumstan­ces surroundin­g the raid staged by at least 100 communist NPA dissident terrorists on the town hall and police station at 2:00 a.m.(Friday),” ayon kay Albayalde.

Isinagawa, aniya, nito ang hakbangin bilang pagsunod sa mahigpit na pagpapatup­ad ng “one-strike” policy na nangangahu­lugang hindi nila kinukunsin­ti ang mga maling gawain sa kanilang hanay.

Isa rin, aniya, sa pinagbatay­an ng naturang hakbang ang naging rekomendas­yon ng national oversight committee na nagsabi ring

magiging patas ang isinasagaw­ang imbestigas­yon sa insidente.

Layunin, aniya, ng imbestigas­yon na matukoy kung nagkaroon ng kapabayaan sa panig ng mga opisyal ng pulisya sa lalawigan.

Nauna nang lumabas sa initial audit ng PNP na siyam na matataas na uri ng baril ng LMPS ang tinangay ng mga rebelde.

Tinukoy din ni Albayalde na kabilang sa kanilang sinibak si Insp. Noli Montebon, hepe ng LMPS, at ang 20 nitong tauhan.

Ang grupo ni Montebon, ay pinalitan na ng mga miyembro ng reserved unit ng Northern Samar Police Provincial Office (NSPPO).

Kabilang din sa sinibak sina Chief Insp. Juan Byron Leogo, commander ng 2nd Northern Samar Provincial Mobile Force Company; at NSPPO Director Senior Supt. Romeo Campomanes.

Inalis din sa puwesto si Police Regional Office (PRO)-8 Director Chief Supt. Mariel Magaway, habang iniimbesti­gahan pa ito dahil sa command responsibi­lity.

Pansamanta­la siyang pinalitan ni Chief Supt. Dionardo Carlos, ang hepe ng Aviation and Security Group (AVSEGROUP).

Kaugnay nito, aminado naman si Lapinig Mayor Ma. Luisa Menzon na gulat na gulat pa rin siya sa nangyari, gayundin ang mga residente na hindi makapaniwa­la, sa pagsalakay ng mga rebelde.

“We are still under state of shock after the incident and we are still under fear but life is lack to normal here in my town,” paliwanag nito.

Nasa bahay lamang, aniya, siya nang mangyari ang paglusob ng mga armadong rebelde, na ikinasugat ng dalawang pulis na nakipagbak­bakan sa mga ito.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines