Balita

Paano pinasisika­t ang wikang Filipino?

- Ni MYCA CIELO M. FERNANDEZ

KASABAY ng pagpasok ng buwan ng Agosto, ipinagdiri­wang sa buong bansa ang Buwan ng Wika.

Ang taunang selebrasyo­n ay alinsunod sa Proklamasy­on No. 1041 na nilagdaan ni Pangulong Fidel V. Ramos, na nagtatakda sa Agosto bilang Buwan ng Wika at Nasyonalis­mo.

Para sa layuning mapalagana­p ang wikang Filipino sa iba’t ibang larangan ng karunungan, itinuon ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), ang ahensiyang nagunguna sa pangangala­ga at pagsusulon­g ng wikang pambansa ng Pilipinas, ang pagdiriwan­g ngayong taon sa temang “Filipino, Wika ng Saliksik.”

Upang maisakatup­aran ang tunguhing mapalagana­p at magamit ang wika sa iba’t ibang larangan ng pagkatuto, idinaraos ng Komisyon ang mga talakayan sa iba’t ibang probinsya ng Pilipinas, kabilang ang Benguet, Abra, Ifugao, Kalinga, Ilocos, Quirino, Aurora, Nueva Ecija, Bulacan, Batangas, Palawan, Marinduque, Bikol, Sorsogon, Camarines Norte, Iloilo, Aklan, Bacolod, Cebu, Leyte, Biliran, Zamboanga, Bukidnon, Davao Oriental, General Santos, Marawi at Sulu.

Kasabay nito, ilulunsad din ng Komisyon ang Araw ng Pagtatatag at Pasinaya ng Bantayog ng Wika, kung saan itatayo sa ilang probinsiya ang monumento na sumisimbol­o sa wika.

Samantala, bahagi rin ng pagdiriwan­g sa buong buwan ang pagsasagaw­a ng KWF ng “Ang Estado ng Wikang Filipino” o State of the Language Address (SOLA), na pinamunuan ng Pambansang Alagad ng Sining Virgilio Almario.

Ang SOLA ay pag-uulat sa kasalukuya­ng kalagayan ng wikang pambansa, mga gawaing isinusulon­g at napagtagum­payan ng ahensya para sa pagpapaang­at ng Filipino kasama ang mga wikang katutubo.

Sa ulat ngayong taon, inilatag ng ahensiya ang mga hakbang na ginawa at patuloy na isinasagaw­a. Bahagi dito ang binuong ‘KWF Medyo Matagalang Plano 2017-2020’ (medium term plan) sa layuning “matukoy ang kung ano ang nagiging direksiyon ngayon ng Komisyon at kung ano ang mga ginagawa o hindi ginagawa ukol sa wikang Filipino at mga katutubong wika ng Filipinas,” ayon sa ulat.

Parte rin ng nabanggit na plano ang apat na adhikang tuon nito; ( 1) Pagpapalag­anap at pagpapaunl­ad ng wikang Filipino, ( 2) Pagpapaigt­ing at pagpapalaw­ig ng saliksik, (3) Pagbuo, pagpapatup­ad, at pagsubayba­y ng patakarang pangwika, at (4) Pagpapalak­as ng serbisyong institusyo­nal.

Ang bawat adhika ay inilaan ng mga paraan, gawain at mga plano na magiging sandigan upang maisakatup­aran ang misyon para sa pambansang wika.

Sa pagtatapos ng ulat sa estado ng wika, iginiit ni Almario ang dalawang bagay o salita na lagi na lagi umano niyang ipinaaalal­a sa lahat; “Una, ang ‘dangal’. Nakatampok ito sa unang islogan ng Komisyon mulang 2013: ‘Sulong: Dangal ng Filipino!’ at ‘Uswag: Dangal ng Filipino!’ Nabanggit ko na kanina ang kabuluhang ideolohiko ng ‘uswag’ kaugnay ng tahas na patakaran ng Komisyon na pangalagaa­n ang mga wikang katutubo ng bansa. Ngunit bakit kailangang itaas ang ‘dangal’ ng Filipino? Nawawala ba o mahinà ba ang g dangal gal ng Filipino—kapuwa puwa ng wikang Filipino at ng mamamayang ang Filipino?” aniya.

At ikalawa lawa ang ‘kultura’ na isang pangunahin hin at napakahala­gang salik dahil, il, “Hindi maaaring mabúhay ang wikang kang Filipino sa loob ng isang banyagang yagang kultura, at kahit na sa loob ng isang ng Filipino nga ngunit magusot, mapinsalà, baluktot, at pira-pirasong ong kultura. Kinakatawa­n sa gayon ng wikang Filipino ino ang ating masaklaw na a adhikang itaas din ang g dangal ng pambansang g kultura ng Filipinas,” ayon kay

Almario.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines