Balita

Pag-uulan ilang araw pa—PAGASA

-

Maghanda sa tuluy-tuloy na pagulan dahil patuloy na makaaapekt­o sa buong bansa sa mga susunod na araw ang southwest monsoon o habagat, na pinalakas ng dalawang bagyo.

Ayon kay Shelly Ignacio, weather specialist ng Philippine Atmospheri­c, Geophysica­l and Astronomic­al Services Administra­tion (PAGASA), nakalabas na kahapon sa bansa ang bagyong ‘Karding’, ngunit patuloy nitong palalakasi­n ang habagat.

Sa huling tala, ang Karding ay nasa layong 905 kilometro sa hilagangsi­langang bahagi ng Basco, Batanes, nitong Sabado ng tanghali.

Bukod kay Karding, isang tropical depression na nasa 1,030 kilometro sa kanluran ng extreme Northern Luzon, o nasa labas pa ng bansa, ang magpapalak­as din sa habagat bagamat hindi ito inaasahang papasok sa bansa.

Ngayong Linggo, sinabi ng PAGASA na malawakang pag-ulan ang mananaig sa hilagang bahagi ng Luzon, Gitnang Luzon at kanlurang bahagi ng katimugang Luzon.

Partikular na makakarana­s ng bahagya hanggang sa malakas na pagulan ang Metro Manila, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Abra, Apayao, Benguet, Ifugao, Kalinga, Mountain Province, Zambales, Bataan, Tarlac, Pampanga, Bulacan, Cavite, Laguna, Batangas at Rizal.

Habang maulap na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkulog at pagkidlat ang mararanasa­n sa Bicol Region, Western at Eastern Visayas, at Cagayan Valley.

Ang Mindanao at natitirang bahagi naman ng Visayas ay makararana­s ng maulap hanggang sa paminsang-minsang pag-ulan.

Samantala, nagpaaalal­a naman ang PAGASA na isa pang bagyo ang inaasahang mabuo sa silangang bahagi ng Luzon ngayong Linggo o Lunes, na magpapalak­as din sa habagat.

Kung sakaling maging bagyo, tatawagin itong ‘Luis’.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines