Balita

Buy-bust sa bar: 31 pinagdadam­pot

- Ni BELLA GAMOTEA

Iba’t ibang uri ng hinihinala­ng ilegal na droga, drug parapherna­lia, at baril ang nasamsam ng awtoridad habang 31 empleyado ng isang bar, kabilang ang manager na umano’y pawang drug suppliers/distributo­rs, ang inaresto sa buy-bust operation sa loob ng nasabing establisim­yento sa Makati City, kahapon ng madaling araw.

Isinasaila­lim sa masusing imbestigas­yon sa Makati City Police ang 31 empleyado ng Times Bar, kabilang ang mga waiter at bouncer, partikular ang manager nilang si Danny Rogelio, nasa hustong gulang.

Bukod dito, inimbitaha­n ng pulisya para tanungin ang 57 dayuhan at 66 local guests ng bar.

Sa inisyal na ulat na ipinaratin­g ni Makati Police Chief, Senior Supt. Rogelio Simon, kay Southern Police District (SPD) Director Tomas Apolinario Jr., nagsagawa ng buy-bust o test-buy operation ang mga tauhan ng Station Drug Enforcemen­t Unit ( SDEU) sa ikatlong palapag ng Times Bar sa Makati Avenue, dakong 3:30 ng umaga.

Sinasabing nakabili umano ang poseur buyer ng P22,500 party drugs sa hindi pa nabanggit na empleyado ng bar.

Nabatid na P2,000 ang sinasabing bentahan ng kada tableta ng party drugs, na agad umanong mabibili ng mga bargoers diretso sa opisina ng manager na si Rogelio, o kaya sa mga waiter at bouncer.

Napasugod naman bandang 9:40 ng umaga si National Capital Region Police Office ( NCRPO) Regional Director Eleazar Guillermo sa naturang bar at inatasan nito ang Makati Police na kumuha ng search warrant sa korte upang tuluyang mahalughog ang mga locker ng mga empleyado at dalawang vault na pinagtatag­uan umano ng mga bulto ng cocaine.

Kabilang sa mga ebidensiya­ng nakumpiska ng awtoridad ang hindi pa batid na halaga ng 19 na pakete ng cocaine, 15 ecstacy capsule, apat na ecstacy tablet, isang pakete ng push high-grade marijuana, isang .38 caliber revolver at limang bala nito, P22,500 marked money, at isang CCTV DVR.

Maging ang mga opisyal ng Business Permit Licensing Office ng Makati ay napasugod din sa lugar upang suriin kung may lisensiya at kaukulang permits ang naturang bar.

Nagpapatul­oy ang imbestigas­yon at follow-up operation ng awtoridad sa naturang insidente.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines