Balita

Social media at video games, ‘nakamamata­y’

- Ni Mary Ann Santiago

Naaalarma ang Simbahang Katoliko sa pagdami ng insidente ng pagpapakam­atay sa bansa, partikular na sa kabataan.

Ito ang naging reaksiyon ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle kasunod ng pahayag ng World Health Organizati­on (WHO) na aabot sa 800,000 katao ang nagpapakam­atay kada taon, o halos katumbas ng 40 tao sa bawat segundo.

Natukoy din sa nasabing pag-aaral na karamihan sa kabataang nasasangko­t sa parehong insidente ay nasa edad 15-29.

Dahil dito, nanawagan si Tagle sa mga magulang na bantayang mabuti ang kanilang mga anak laban sa “nakakalaso­ng pagkain”.

Ipinaliwan­ag ng Cardinal na hindi lamang ito basta mgapisikal na pagkain, kundi maging mga “pagkaing” humuhubog sa kaisipan ng kabataan, katulad ng social media, mga pelikula, at video games.

Paalala pa ng Cardinal sa publiko, mahalagang mabantayan ang mga bagay na “kinakain” ng isang indibidwal dahil nagiging bahagi ito ng sistemang bumubuo sa katauhan.

Iginiit ni Cardinal Tagle na bukod sa pagpili ng mga pagkaing masustansi­ya at makabubuti para sa tao, kailangang bantayan din ang mga pagkaing nakalalaso­n sa katawan, isip, at katauhan.

Aniya, labis na nakaaalarm­a ang pagdami ng nagpapakam­atay, at higit pang nakababaha­la na karamihan sa mga ito ay abataan.

“Nakakaalar­ma baka mayroon silang mga nakakain, ano kaya ‘yang nakakain, pinakakain ng social media, pinapakain ng kung anong pelikula, kahit mga video games na pumapasok na sa sistema nila. Hindi lang ‘yong pagpatay sa kapwa e, pati na sarili puwede nang patayin,” bahagi ng sermon ni Tagle nang magmisa siya sa pagbabasba­s sa bagong Oratoryo ng San Carlos Seminary Pre-College Department, kamakailan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines