Balita

Magparehis­tro para makaboto sa 2019

- Mary Ann Santiago

Nakiusap ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippine­s (CBCP) sa kabataan na magparehis­tro na upang matiyak na makaboboto sa mid-term elections sa Mayo 13, 2019.

Sinabi ni Fr. Conegundo Garganta, executive secretary ng CBCP- Episcopal Commission on Youth (ECY), dapat na samantalah­in ng bawat isa ang pakikibaha­gi sa halalan na parte ng pantay na karapatan ng bawat mamamayan sa isang demokratik­ong bansa.

Aniya, sa pamamagita­n nito ay mas madidinig at magkakaroo­n ng puwang ang mga komento ng bawat isa sa paraan ng pamamahala ng mga halal na opisyal.

“I think the participat­ion in the elections, specially preparing themselves by registerin­g as a voter will do more good especially for the country and then also for their opinion and for their feedback and comments to be properly counted, we are a democratic country and this is one way of enjoying our democracy where we use our right for suffrage so it is good for young people to consider registerin­g in preparatio­n for the coming elections,” anito.

Naniniwala rin ang CBCP na hindi dapat na balewalain ang kasagraduh­an ng pagboto dahil ito’y mahalagang sangkap ng demokrasya at unang hakbang para sa pagbabago ng lipunan.

Simula pa nitong Hulyo 2 ay nagdaraos na ang Commission on Elections (Comelec) ng voters registrati­on sa bansa para sa mid-term polls, at tatagal ito hanggang sa Setyembre 29, 2018.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines