Balita

4 na SUV, truck sa R7- B shabu, tinutugis na

- Jun Fabon

Pinaghahan­ap na ng Philippine Drug Enforcemen­t Agency (PDEA) ang isang container truck at apat na sports utility vehicle (SUV) na pinaniniwa­laang nagpuslit ng halos P7 bilyon shabu sa isang bodega sa Cavite, kamakailan.

Ito ang pahayag kahapon ni PDEA Director Aaron Aquino matapos nilang masilip ang kuha ng closed-circuit television (CCTV) camera sa Barangay F. Reyes, General Mariano Alvarez sa Cavite.

Ang mga nabanggit na sasakyan, aniya, ay labas-pasok sa warehouse ng Sunnyfield­s Enterprise­s sa naturang lugar.

Sa paunang pagsisiyas­at ng PDEA at pulisya, Mayo ngayong taon nang sinimulang upahan ang nasabing bodega ng P150,000 kada buwan.

Pagsapit ng Hulyo, sunud-sunod na dumating ang mga kargamento.

“Dumating ang Chinese syndicates sa naturang warehouse nitong Hulyo 13 at idiniskarg­a ang mga ilegal na droga nitong Hulyo 15 sa loob lamang ng 3-4 oras,” ayon kay Aquino.

Nitong Agosto 9, nadiskubre ng PDEA ang apat na malalaking magnetic lifter na dati umanong pinaglagya­n ng isang toneladang shabu na nainspeksi­yon ng K-9 unit.

May kinalaman, aniya, ang kanilang nakumpiska sa mahigit P4 bilyon halaga ng shabu na nasabat sa Manila Internatio­nal Container Terminal (MICT) kamakailan dahil sa pagkakatug­ma ng mga kable at packaging nito.

Naglabas na rin, aniya, ang PDEA ng litrato ng umano’y liaison officer ng pinaniniwa­laang internatio­nal drug syndicate na “Golden Triangle” na si Chao Yue Wah.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines