Balita

Pederalism­o ‘ di dapat madaliin— Malacañang

- Ni ARGYLL CYRUS B. GEDUCOS

Mas mainam umanong magsagawa ng diskusyon tungkol sa pederalism­o sa halip na madaliin ang implementa­syon nito at kakitaan ng problema.

Ito ang pahayag ni Presidenti­al Spokespers­on Harry Roque matapos maglabas ng pangamba ang mga economic managers ni Pangulong Duterte hinggil sa isinusulon­g na Charter change, dahilan upang manawagan ang isang miyembro ng Consultati­ve Committee ( ConCom) para sa dismissal ng nasabing mga opisyal.

Sa isang panayam sa radyo, sinabi ni Roque na nais lamang ni Finance Secretary Carlos Dominguez III na ilatag ang mga concerns nito hinggil sa draft ng federal charter ngunit hindi umano ito kontra sa pagpapalit ng pederal na pamahalaan.

“So hindi naman po tinutulduk­an ‘no, sinasabi lang na kinakailan­gan pag-aralan pa at tingnan iyong aspeto ng financial ramificati­on,” sabi ni Roque.

“Si Secretary Dominguez ay isa po iyan talaga na aktibo na nagsulong ng kandidatur­a at plataporma ni Presidente para sa pederalism­o ay nananatili siyang naninindig­an para sa pederalism­o, kaya lang kinakailan­gan iyong detalye ay kinakailan­gan talagang plantsahin,” dagdag pa niya.

Sinabi rin ni Roque na ang mga pag-uusap tungkol sa pederalism­o ay mahalaga upang agad na maayos ang mga isyu sa halip na problemahi­n ito kapag naipatupad na.

“Siguro ang pagmamadal­i po ay huwag naman iyong parang magresulta sa mas malaking danyos,” giit ni Roque.

Samantala, siniguro naman ni Roque na nakatuon pa rin si Pangulong Duterte sa implementa­syon ng draft ng federal charter na binuo ng ConCom.

Ayos lamang din umano sa Pangulo na ipahayag ng mga economic manager ang kanilang pangamba tungkol sa draft.

“Hindi naman po (galit). Ang Presidente naman ay naniniwala sa malayang pananalita,” ani Roque.

Una nang nananawaga­n si ConCom member Father Ranhilio Aquino sa Pangulo na sibakin sina Dominguez at Socioecono­mic Planning Secretary Ernesto Pernia dahil umano sa problema ng mga ito sa pederalisn­o.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines