Balita

Duterte, dadalo sa WEF sa Vietnam

- Argyll Cyrus B. Geducos

Inaasahang dadalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa tatlong araw na World Economic Forum (WEF) na idadaos sa Hanoi, Vietnam, sa susunod na buwan.

Sa inilabas na pahayag ng WEF, isa lamang si Duterte sa mga state leaders na makikibaha­gi sa nasabing pagtitipon, na gaganapin sa Seytembre 11-13.

Inihayag ng WEF na sa ngayon ay walo pa lamang na bansa sa Southeast Asia ang kakatawani­n ng kanilang mga top leader, kabilang na rito si Vietnamese Prime Minister Nguy n Xuân Phúc.

Inaasahang makakadaup­angpalad ng Pangulo ang kahahalal na

Prime Minister ng Malaysia na si Mahathir Mohamad na binisita niya sa Kuala Lumpur nitong nakaraang buwan.

Gayunman, hindi pa makumpirma ng Malacañang ang pagdalo ng pangulo sa WEF, na magaganap isang linggo pagkatapos ng tatlong araw na makasaysay­ang pagbisita ni Duterte sa Israel sa susunod na buwan din.

Ayon sa WEF, ang nasabing pagpupulon­g ay may temang “ASEAN 4.0: Entreprene­urship and the Fourth Industrial Revolution” kung saan kakatawani­n ng mga prime minister, presidente o state counselor ang walong bansa na kasapi ng Associatio­n of South East Asian Nations (ASEAN).

Kabilang sa nagkumpirm­a ng pagdalo sa WEF sina Cambodian Prime Minister Hun Sen, Indonesian President Joko Widodo, Laos Prime Minister Thongloun Sisoulith, Myanmar State Counsellor Aung San Suu Kyi, Singaporea­n Prime Minister Lee Hsien- Loong, at Sri Lankan Prime Minister Ranil Wickremesi­nghe, kasama ang mga senior cabinet ministers ng Republic of Korea, Thailand at iba pang bansa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines