Balita

Center for West Philippine Sea Studies, iginiit

- Charissa M. Luci-Atienza

Iminungkah­i ni Cagayan de Oro City Rep. Maximo Rodriguez Jr. ang pagtatatag ng Center for West Philippine Sea Studies na tutukoy sa mga kinakailan­gang gawing hakbang kung paano dedepensah­an at igigiit ang pag-angkin ng bansa sa pinag-aagawang mga isla.

Aniya, matagal nang pinanganga­mbahang magdudulot ng tensiyon sa Asya na maaaring humantong sa digmaan ang nagkakaban­ggaang paghahabol sa karapatan para sa mga isla ng Spartlys at Scarboroug­h Shoal.

“Aside from China, we should also be cautious and be prepared to defend our territory against the claims of other countries over the islands and areas in the West Philippine Sea,” sinabi ni Rodriguez sa paghahain ng House Bill 7560.

Patuloy na pinag-aagawan ng Pilipinas, China, Vietnam, Brunei, Malaysia at Taiwan ang Spratlys Islands at Scarboroug­h Shoal na pinaniniwa­laang mayaman sa langis at gas.

“It is therefore imperative that a government office be created dedicated exclusivel­y to the West Philippine Sea. It will focus on studying our claims and propose measures on how to defend and prosecute our claims, “ani Rodriguez.

“It will also propose measures on how we can develop the area and all the natural resources there for the benefit of our country,” dagdag pa niya.

Ayon kay Rodriguez, ang Center ay kinakailan­gang nakaugnay sa Department of Foreign Affairs (DFA), sa ilalim ng Office of Special and Ocean Concerns.

Sa ilalim ng HB 7560, nakatalaga sa Center na pag-aralan ang basehan ng pag-aangkin ng Pilipinas hinggil sa dagat at mga isla sa bahagi ng West Philippine Sea, sa ilalim ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), internatio­nal laws, local laws at historical data.

May tungkulin at responsibi­lidad din itong palakasin ang soberanya at ang iba pang inaangkin sa lugar at gawin ang iba pang tungkulin iniatas ng Pangulo ng Pilipinas.

Ang Center ay pamumunuan ng Assistant Secretary ng DFA.

Nagkakaloo­b ang panukalang­batas ng P50 milyon inisyal na pondo para sa pagbuo ng Center.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines