Balita

13 sa Maynila, tiklo sa droga

- Mary Ann Santiago

Naghihimas na ng rehas na bakal ngayon ang 13 katao, kabilang ang limang magkakamag-anak, na umano’y sangkot sa pagbebenta at paggamit ng ilegal na droga, sa magkakahiw­alay na operasyon na inilunsad ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) sa iba’t ibang lugar sa Maynila, nabatid kahapon.

Kinilala ni MPD Director Chief Supt. Rolando Anduyan ang mga naaresto na sina Arnold Joshua Batac, 19, Grade 12 student at taga-Adriatico Street, Malate; Johncent Obano, 20, out-of-school, ng San Andres Bukid; John Josua Cruz, 19, ng Pacheco Street; Arnold Chongpico, 39, ng Velasquez Street; Ernesto Mata Jr., 35, ng Mata Street; Ritchie Balamiento, 41, ng Perla Street; Gary Maborang, 39, ng Rawis Street, pawang sa Tondo.

Arestado rin ang magkakaana­k na sina Jesus Gatdula, 55; Marknel Gatdula, 33, electricia­n; Joseph Gatdula, 40, checker ng shipping company; Wilson Gatdula, 32, butcher; Eloisa Ocampo y Gatdula, 38, vendor; at Helen Roldan, 21, pawang taga-Angalo Street, Binondo.

Batay sa ulat ng Malate Police Station, dakong 3:44 ng hapon nitong Biyernes nang maaresto sina Batac at Obano, habang humihihit umano ng marijuana sa Amadome Complex sa Adriatico, Malate, at nakumpiska­han ng isang pakete ng marijuana at transparen­t glass tube na may pinatuyong dahon ng marijuana.

Ayon naman sa Raxabago Police Station (PS-1), dakong 11:45 ng gabi nitong Biyernes nang maaresto sina Cruz, Chongpico, Mata Jr., Balamiento, at Maborang, sa Simultaneo­us AntiCrimin­ality and Law Enforcemen­t Operation (SACLEO) sa Pacheco Street, Tondo, at nakumpiska­han umano ng limang pakete ng hinihinala­ng shabu.

Samantala, naaresto naman ng mga tauhan ng Station Drug Enforcemen­t Team (SDET) ng Meisic Police Station (PS-11) ang magkakamag-anak na Gatdula at si Roldan sa buy-bust operation sa kanilang bahay, dakong 4:25 ng umaga kahapon, at nakumpiska­han umano ng 24 na pakete ng shabu at P300 marked money.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines