Balita

2 holdaper-carnapper, tigok sa bakbakan

- Mary Ann Santiago

Dalawang lalaki, na umano’y nagtangkan­g mangholdap ng isang gasolinaha­n at nangarnap ng motorsiklo ng mga customer nito, ang namatay makaraan umanong manlaban sa mga umaareston­g pulis sa Antipolo City, Rizal, nitong Biyernes ng gabi.

Sa ulat ni Rizal Police Provincial Office (RPPO) Director Senior Supt. Lou Frias Evangelist­a kay Police Regional Office (PRO)-4A Director Chief Supt. Edward Carranza, inaalam pa nila ang pagkakakil­anlan ng mga napatay na suspek.

Batay sa ulat ng pulisya, dakong 11:00 ng gabi nang mangyari ang engkuwentr­o sa Blue Mountain sa Barangay Sta. Cruz, Antipolo City.

Nauna rito, tinangka umano ng mga suspek na holdapin ang Shell gasoline station sa Marcos Highway sa Bgy. Sta. Cruz, pero sa hindi pa batid na dahilan ay nabigo sila kaya pinagbalin­gan na lang nila at tinangkang tangayin ang motorsiklo ng dalawang kostumer, na noon ay nagpapagas­olina, saka tumakas.

Nagkataon namang nagpapatru­lya sa lugar ang mga tauhan ng Antipolo City Police, at may nakapagbig­ay ng impormasyo­n tungkol sa holdapan.

Sa checkpoint ng mga pulis ay hinabol nila ang mga suspek, hanggang sa makorner sa Blue Mountain, pero sa halip na sumuko ay nanlaban umano ang mga ito, kaya napilitang gumanti ng putok ang mga pulis, na nagresulta sa kamatayan ng mga suspek.

Narekober ng mga pulis mula sa pinangyari­han ng engkuwentr­o ang motorsiklo­ng kinarnap umano ng mga suspek, gayundin ang dalawang baril.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines