Balita

Dam project sa Quezon, inalmahan

- Mary Ann Santiago

Tinututula­n ng Simbahang Katoliko ang pagpapatay­o ng isang dam sa Quezon dahil maaapektuh­an umano nito ang pamumuhay ng mga katutubo sa lugar.

Inirason ni Infanta, Quezon Bishop Bernardino Cortez, na lilikha lang ng maraming problema ang konstruksy­on ng Kaliwa Dam, isa sa mga sa 75 flagship infrastruc­ture project ng administra­syong Duterte, na gagastusan ng P18.7 bilyon.

“It will inundate the ancestral domain of the Dumagat- Remontados, uprooting them from the Sierra Madre where their ancestors lived for centuries. In 2004, a flash flood claimed more than a thousand lives and over a million worth of properties,” reaksyon ni Cortez na inilathala sa CBCP News website.

Tinatayang aabot pa, aniya, sa 50 lider ng Simbahang Katoliko, kabilang na si Davao Archbishop Romulo Valles, ang tumututol sa proyekto na itatayo sa Infanta Fault

“Kaliwa Dam to be constructe­d over the Infanta Fault will be a ‘sword hanging over the head’ of 100,000 people living downstream the Kaliwa River. This project, which is connected with the Laiban Dam has been in the pipeline for 30 years, yet until now it does not even have the necessary Environmen­t Compliance Certificat­e (ECC),” pagdidiin pa nito.

Iminungkah­i rin nito sa pamahalaan na humanap na lamang muna ng alternatib­ong pagkukunan ng tubig, katulad ng pagsasaila­lim sa rehabilita­syon ng PasigLagun­a River Basin na gagastusan lamang ng P13 bilyon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines