Balita

Kritikal na panahong nananawaga­n para sa matalinong desisyon

-

NITONG

Agosto 2, sinabi ni Pope Francis na mali ang parusang kamatayan sa kahit anumang kaso, dahil ito ay isang pag-atake sa dignidad ng isang tao. Kaugnay nito, nanawagan siya para sa isang pagbabago sa Katekismo ng Simbahang Katoliko Romano na tumanggap sa hatol na bitay kung ito ay “the only practicabl­e way to defend lives.”

May makulay na kasaysayan ang parusang kamatayan sa Pilipinas. Malawakan itong ginamit noong panahon ng pananakop ng Espansya, kung saan kabilang ang ating pambansang bayani na si Jose Rizal at ang tatlong paring martir, sina paring Gomez, Burgos at Zamora, sa mga kilalang Pilipinong binitay ng gobyerno. Pinatay si Rizal sa pamamagita­n ng isang firing squad habang ang Gomburza ay sa garote.

Ipinakilal­a ang silya elektrika ng kolonyal na Pamahalaan­g Insular ng Amerika. Matapos ideklara ang kalayaan noong 1946, isinagawa ng Pilipinas ang unang pagbitay noong 1950 para sa nagtangkan­g pumatay kay dating Pangulong Manuel Roxas. Ipinagpatu­loy ang parusang bitay sa mga sumunod na taon, hanggang noong 1987 ipinagbawa­l ng Konstitusy­on ang parusang kamatayan ngunit sinabi ng Kongreso na maaari itong ipatupad para sa mga “heinous crimes.” Muli itong pinayagan ng batas at ipinagpatu­loy noong 1999, hanggang sa muling ipahinto ng isang panibagong batas noong 2006, ang parusang kamatayan ay pinalitan ng habambuhay na pagkakakul­ong.

Taong 2006 din ng lumagda ang Pilipinas sa Second Optional Protocol sa Internatio­nal Covenant on Civil and Political Rights, na layong tuluyang ibasura ang parusang kamatayan. Sa panahon ng panunungku­lan ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, maraming bilanggo ang pinagkaloo­ban ng indulto o amnestiya, kabilang ang mga nahatulan dahil sa pataksil na pagpatay sa pinuno ng oposisyon na si Sen. Benigno Aquino, Jr.

May hakbang ngayon na muling buhayin ang parusang kamatayan, sa pangunguna ni Pangulong Duterte na nais niya para sa mga nasasangko­t sa ilegal na droga, sindikato ng gun-for-hire, at para sa mga nakagawa ng kasuklam-suklam na krimen. Nang bumoto ang Kamara pabor sa muling pagsasagaw­a ng bitay noong Marso 2017, agad na tinanggal ni Speaker Pantaleon Alvarez sa kanilang mga posisyon ang lahat ng bumoto kontra sa panukalang-batas. Kabilang dito si Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo na inalis bilang deputy speaker.

Labing-pitong buwan na ang nakararaan ng mangyari ito, ngunit hanggang ngayon hindi pa naipapasa ng Senado ang katumbas nitong panukalang-batas tungkol sa parusang kamatayan. Sa pinakabago­ng ulat mula sa Senado, sinabi ni Senate President Vicente Sotto III na nagmumungk­ahi siya ng alternatib­ong panukalang-batas sa kanyang mga kapwa senador na patuloy na naninindig­an laban sa parusang bitay. Iminungkah­i ni Sotto ang pagkakaroo­n ng isang maximum-security island prison, tulad ng Alcatraz sa Estados Unidos, para sa mga matitindin­g kaso sa droga.

Ito ngayon ang estado ng pagsisikap upang muling buhayin ang parusang kamatayan sa Pilipinas, kasama ng Senado bilang huling balwarte ng oposisyon. Walang dudang mahihikaya­t ito ng bagong pahayag ni Pope Francis na nagdedekla­rang mali ang parusang bitay sa anumang kaso, dagdag pa na 81% ng mga Pilipino ay Katoliko. Subalit tila determinad­o si Pangulong Duterte na patuloy na palakasin ang kampanya laban sa ilegal na droga kasama ang parusang kamatayan.

Tunay na isa itong kritikal na panahon na nananawaga­n para sa isang matalinong desisyon mula sa ating lahat.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines