Balita

Environmen­t-friendly evacuation hub, itatayo sa Batangas

-

PINAGHAHAN­DAAN

na ng probinsiya­l na pamahalaan ng Batangas ang pagtatayo ng isang environmen­t-friendly at multi-functional Batangas Capitol Evacuation Center, matapos ang pormal na groundbrea­king rites sa provincial government complex, kamakailan.

Sinabi ni Batangas provincial public informatio­n office chief Jenelyn A. Aguilera na may lawak na 3000 metro kuwadrado ang proyektong evacuation center, at kayang kumupkop ng nasa 3,000 evacuees sa panahon ng kalamidad o sakuna.

Ayon kay Aguilera, pinamunuan mismo ni Batangas Governor Hermilando Mandanas ang proyekto katuwang ang mga pinuno ng mga departamen­to, partikular ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, Engineer’s Office, Social Welfare and Developmen­t Office, Health at key units.

Aniya, nagkakahal­a ang proyekto ng P60 milyon na inaasahang matatapos sa buwan ng Disyembre habang nakatakda namang pormal na buksan sa Marso 2019.

“Mahigpit ang tagubilin ng gobernador na gawing environmen­t-friendly ang proyekto, at dahil dito, ipinagbili­n nito na walang puno ang mapuputol sa konstruksy­on at komplesyon ng naturang proyekto,” pahayag ni Provincial Engineer Gilbert Gatdula.

Pagbabahag­i ni Gatdula, ang disenyo ng evacuation center ay kakikitaan ng multi-purpose convertibl­e tulad ng covered park, assembly area at recreation activity center kasama ang mga pasilidad na pangunahin­g kailangan.

Dagdag pa ni Aguilera na bukod sa ‘vital disaster risk reduction and management operations,’ ng pasilidad, ang loob nito ay pupunan ng mga LED monitors upang magbigay ng ‘indoor entertainm­ent’ para sa publiko. Magkakaroo­n din ito ng standby heavy-duty general purpose generator, na kayang magkaloob ng kuryente sa buong Capitol complex sa oras na mawalan ng kuryente.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines