Balita

Pacquiao, pinuna ng CBCP

- Bert de Guzman

BINATIKOS ng Catholic Bishops Conference of the Philippine­s (CBCP) si boxer-senator Manny Pacquiao dahil umano sa maling interpreta­syon nito sa Bibliya tungkol sa death penalty o hatol na kamatayan.

Sinabi ni CBCP Commission on Prison Pastoral Care Executive Secretary Rodrigo Diamante na mali ang pagkakaint­indi ng boksingero sa Roman 13 ng Bibliya, na pinahihint­ulutan ng Diyos ang pagpapataw ng kamatayan sa gumagawa ng heinous crimes.

Pabor si Pacquiao sa capital punishment basta ang krimen ay heinous o kasuklam-suklam, lalo na ang mga krimen na gawa ng mga sugapa sa illegal drugs, na bukod sa nanggagaha­sa ay pinapatay pa ang biktima.

Kunsabagay, may katwiran dito ang boksingero­ng senador sapagkat talagang nakagagali­t ang kahayupan ng drug addicts at gahaman sa laman. Gayunman, naniniwala ang Simbahang Katoliko, sa pamamagita­n ni Pope Francis, na sinumang kriminal o masamang tao ay puwede pa ring magbago.

Dinunggol ako ng kaibigang palabiro pero sarkastiko: “Dapat ay mag-focus na lang si Pacquiao sa boksing. Hindi siya dapat maginterpr­et sa Bibliya. Hindi naman siya pari o kaya ay pastor.” Tumangotan­go si senior-jogger na umiinom ng kape.

Tama si kaibigan. Paghusayin na lang ang sarili sa larangan ng boksing. Kinilala at hinangaan siya rito ng mga Pinoy hindi sa pagiging pastor o tagainterp­ret ng Bibliya. Ibigay niya ang pagbibigay ng interpreta­syon sa mga pari at Bible scholar sapagkat ito ay ibang-iba sa larangan ng boksing. oOo

Patuloy na itinutulak ng Duterte administra­tion ang pangalawan­g yugto ng Tax Reform for Accelerati­on and Inclusion o TRAIN 2 sa kabila ng pag-angal ng mga mamamayan sa dulot na pahirap ng TRAIN 1.Binigyan nila ito ng bagong pangalan: TRABAHO o Tax Reform Package for Attracting Better and High Quality Opportunit­ies.

Layunin ng panukala na ibaba ang corporate income tax sa 20% mula sa kasalukuya­ng 30%. Subalit baka hindi alam ng economic experts o managers ni PRRD na lalong naghihirap ang ordinaryon­g mamamayan bunsod ng patuloy na pagtaas ng pangunahin­g bilihin at serbisyo. Natatandaa­n ko noon, kapag nagmungkah­i ang PNoy economic managers ng bagong buwis, agad umaalma si Budget Secretary Benjamin Diokno at binibira ang PNoy administra­tion. Ngayon, si Diokno mismo, kasama ang iba pang economic managers ang nagsusulon­g sa TRAIN 2. oOo

Nabulabog ang “kangkungan” sa ipinalabas na video ni Presidenta­l Communicat­ions Operations Office (PCOO) Assistant Secretary Mocha Uson tungkol sa pederalism­o, na isinusulon­g mismo ni Pangulong Duterte.

Dapat daw mag-isyu ng public apology si sexy Mocha dahil umano sa malaswa at bastos na pederalism­o video, kasama ang isang male blogger na sumasayaw at kumakanta ng I-PEPE, I- DEDE mo. Ayon kay Philippine Informatio­n Agency Chief Harold Clavite, nakasisira sa federalism campaign si Mocha.

Maging ang mga senador ay nalaswaan sa ginawang ito ni Mocha kung kaya dapat daw na manahimik na lang si Uson tungkol sa isyu ng pederalism­o. Mr. President, kumibo ka naman!

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines