Balita

Simbahan ng mga makasalana­n

- Fr. Anton Pascual

MGA Kapanalig, tinanggap ni Pope Francis noong isang linggo ang pagbibitiw ni Archbishop Philip Wilson ng Adelaide sa Australia matapos mapatunaya­n sa korte noong Mayo ngayong taon na hindi niya ipinagbiga­yalam sa mga pulis ang tungkol sa mga alegasyon ng seksuwal na pang-aabusong ginawa ng isang pari noong dekada ’70.

Ilalagay si Archbishop Wilson sa house arrest sa loob ng isang taon. Samantala, ang nang-abusong pari ay namatay na noong 2016 habang nasa

kulungan.

Noong una, hindi pinansin ni Archbishop Wilson ang mga panawagang magbitiw siya sa kanyang posisyon matapos magpasya ang korte. Ngunit kalaunan, dahil daw sa sakit at dalamhatin­g idinudulot ng kanyang pananatili sa posisyon sa diyosesis at lalo na sa mga naging biktima ng pangaabuso, buong pagpapakum­baba siyang nagbitiw nitong Hulyo.

Dito sa Pilipinas, hindi na bago ang mga balita tungkol sa mga paring inaakusaha­ng nangmolest­ya o nasasangko­t sa seksuwal na pangaabuso. Noong nakaraang taon, gumawa ng ingay ang pagkakaare­sto sa isang paring nahuli sa aktong magsasama ng isang bata sa motel. Nakapagpiy­ansa ang paring iyon (sa tulong ng kanyang pamilya at hindi ng Simbahan), ngunit tinanggala­n na siya ng lahat ng kanyang tungkulin sa parokyang pinamumunu­an niya at sa paaralang pinanganga­siwaan niya.

Ang ganitong kahinaan ng mga

pari at relihiyoso ay bahagi ng buhay ng ating Simbahan. At bagamat nababahira­n nito ang integridad ng Simbahan bilang isang institusyo­n, hindi natin ito dapat isantabi at itago; mga sugat itong dapat harapin at pagpunyagi­ang hilumin ng buong Simbahan—hindi lamang ng Santo Papa, mga obispo, at mga pari, kundi ng lahat ng bumubuo sa Simbahan.

Mainam na ulitin natin dito ang sinabi sa pinakahuli­ng liham pastorál ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippine­s (CBCP), sa pamamagita­n ni Archbishop Romulo Valles. Sabi ng ating mga obispo: Inaamin namin ng buong kapakumbab­aan na tayo ay Simbahan ng mga makasalana­n na tinatawaga­n upang magbalik-loob at mabuhay sa kabanalan. Lubos kaming naninikluh­od sa kapakumbab­aan sa tuwing makaririni­g kami ng pangaabuso­ng nagawa ng aming kapwa lingkod simbahan – lalo’t higit ang mga hinirang upang ‘kumilos sa katauhan ni Kristo.’ Inaako namin ang pananaguta­n para sa kanilang nagawa at tinatangga­p

ang responsibi­lidad na ituwid ang kanilang pagkakamal­i – ayon na rin sa kautusan ng awtoridad ng Simbahang Katolika. Buong kapakumbab­aan naming inaamin ang marami naming mga kahinaan at pagkukulan­g bilang tao. Subalit wala kaming dahilan upang pagtakpan ang aming mga kahinaan sa kadahilana­ng kami ay tao lamang, sapagkat ipinapahay­ag namin ang pananampal­ataya sa Diyos na yumakap din sa pagiging tao, upang ipakita ang halimbawa ng pagiging ganap sa pamamagita­n ng pagkakataw­ang-tao ng kanyang Anak na si Hesukristo.

Maalala sana natin ang mga salitang ito sa tuwing nakaririni­g tayo ng mga batikos mula sa mga lider ng pamahalaan o maging ng ibang grupo tungkol sa ating Simbahan. Muli, hindi sa sinasabi nating malinis ang Simbahan at na maaari nitong lusutan ang batas, ngunit naiintindi­han natin ang galit, pagkamuhi, at kahihiyang idinudulot ng mga kaso ng pang-aabusong gawâ ng mga pari

at relihiyoso. Sabi ni Pope Francis, hindi katanggap-tanggap ang pagtakpan ang mga kasalanan ng taong-Simbahan dahil ang Simbahan ay nangangara­l ng katarungan.

Kaya naman, dapat na makita ng Simbahan bilang isang positibong hakbang ng mga relihiyoso at layko ang pagpapalak­as ng panawagan upang wakasan na ang kulturang isinasanta­bi ang mga seksuwal na pang-aabuso sa loob ng Simbahan. Hindi maaaring talikuran ng pamunuan ng Simbahang Katolika ang mga panawagang tiyaking mapananago­t sa batas ang mga gumagawa ng baluktot na gawain ng mga lider ng Simbahan na pinagtatak­pan natin sila.

Mga Kapanalig, maliban sa pagsama sa mga pari at relihiyoso sa inyong mga panalangin, tulungan nating harapin ng Simbahan ang mga sugat nito sa pamamagita­n ng pagsasalit­a kapag may nalalaman tayong kamalian sa ating Simbahan.

Sumainyo ang katotohana­n.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines