Balita

Bagong serye, alay ni Ken sa ama

- Ni NORA CALDERON

LAGING nakangiti si Ken Chan, kaya hindi mo aakalaing may iindahin siyang problema. Like nang ganapin ang story conference ng kanyang bagong afternoon prime drama series na My Special Tatay, masaya siyang nakausap ng entertainm­ent press. Noon lang nalaman ng press na hindi pa pala magaling ang ama ni Ken, na naka-confine pa rin hanggang ngayon sa hospital.

Dati nang nag-post si Ken sa Instagram tungkol sa kalagayan ng kanyang ama.

“Ilang operasyon na ang pinagdadaa­nan mo patuloy ka pa ring lumalaban. Sa gitna ng mga nangyayari hindi mo pa din kinakalimu­tang tumawa at ngumiti. Huwag kang mag-alaala ilalaban ka namin. SPECIAL kang tao at proud ako ikaw ang TATAY ko!”

Sabi namin kay Ken, kaya siya nabe-bless lalo dahil sa pagmamahal niya sa kanyang parents at kapatid. Hindi kasi nawawalan ng project si Ken sa GMA. After ng Destiny Rose, nagpahinga lang siya sandali at binigyan naman siya ng Meant To Be, na ibang-iba ang role na ginampanan niya.

After that, kahit guest appearance lamang, na tumagal din ng ilang linggo,, ibang role naman ang ginampanan niya sa The Cure kasama si Arra San Agustin.

“Kaya po masaya ako na dito sa My Special Tatay, kami muli ni Arra ang magkatamba­l,” sabi ni Ken. “Iba naman ang character ko, may intellectu­al disability ako kaya dumadaan pa rin po ako ng immersion para magampanan ko nang maayos ang role ni Boyet, na magiging tatay later on.”

At dito na nga nakumusta kay Ken ang Papa niya.

“May stage 2 cancer po siya sa esophagus. Sabi po naman ng doctor niya, dadaan lamang siya sa chemothera­py at pagkatapos magiging cancer-free na siya, at iyon ang sinasabi ko sa kanya at pinaniniwa­laan niya.

“Kaya thankful po ako sa pagdating ng project na ito at sabi ko sa Papa ko, dedicated para sa kanya ang bago kong teleserye. Hindi ko po pababayaan si Papa. Kung lakas niya ako, lakas ko rin siya, ang inspirasyo­n ko sa lahat ng mga gagawin ko.

“At ito po ang dasal ko sa Diyos, na bigyan kami ng lakas ng loob sa mga pinagdaraa­nan namin. Alam ko pong hindi Niya kami pababayaan.”

Happy lalo si Ken dahil ang director nila sa My Special Tatay ay ang direktor din nila sa Meant To Be na si LA Madridejos. Nagsimula na silang mag-taping para sa My Special Tatay, na ipapalit sa Hindi Ko Kayang Iwan Ka ngayong August din.

 ??  ?? Ken at ama
Ken at ama

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines