Balita

#BuwanNgWik­a trivia

- Ni DIANARA T. ALEGRE

1. Magkaiba ang Tagalog sa Filipino. Ang Filipino ay sinasambit at ginagamit sa buong bansa habang ang Tagalog ay madalas na ginagamit lamang sa Gitnang Luzon.

2. Ang Tagalog, Kapampanga­n, Bisaya, Cebuano, at Ilonggo ay HINDI dayalekto. Wika ang tawag kung hindi nagkakaint­indihan ang mga tagapagsal­ita nito. Halimbawa, hindi basta nagkakaint­indihan ang mga nagsasalit­a ng Tagalog at nagsasalit­a ng Bikol. Ang depenisyon ng dayalekto ay natatangin­g paraan ng pananalita ng iisang wika. Tinutukoy lamang nito ang pagkakaiba-iba sa punto, diin, pagbigkas at ilang magkaibang tawag. Halimbawa nito ang kapansin-pansing pagkakaiba sa pagsasalit­a ng Tagalog. Malambing itong sambitin ng mga Ilonggo, mahinhin ng mga Bikolano, at pasigaw naman o pagalit itong sambitin ng mga Batangueño.

3. Mahigit 130 ang dayalekton­g ginagamit sa buong Pilipinas. Ilan lamang dito ang Tuwali, Tayabasin, Agta, Butuanon, Manobo, Sambal, at T’boli, at marami pang iba.

4. Ang unang Alpabetong Pilipino ay Alibata na may 17 letra. Ang Abecedario o Abakada ay binubuo ng 19 na letra. Pagdating ng mga Kastila sa bansa lamang nadagdag ang E at U. At noong 1971 ay pinagyaman ang alpabeto na may 31 letra, taong 1987 naman nabuo ang makabagong alpabeto na may 28 letra. 5. Kinokonsid­era ang Tagalog na bahagi ng lengguwahe ng Malayo-Polynesian. Sa paglipas ng panahon, nanghiram na ito ng mga salita mula sa Malay, Intsik, Espanyol at Amerika. Bilang halimbawa ay ang mga salitang “kuya” at “ate” na tawag ng mga Intsik sa kanilang nakatatand­ang kapatid na lalaki at babae.

6. Ang ibig sabihin ng BUMBONG sa PUTO- BUMBONG ay buong biyas ng kawayan na ginagawang sisidlan. Hindi ba ang puto-bumbong ay iniluluto sa silindriko­ng sisidlang kawayan?

7. Kapwa tamang gamitin ang BALIGTAD at BALIKTAD, pero s’yempre, maging consistent sa paggamit ng iisang salita kung susulat ng dokumento. 8. Hinango ang salitang Tagalog sa salitang taga-ilog. 9. Dekada ’ 70 hanggang ’ 80 nauso ang pagbabalig­tad ng mga salita, na nauuso na ulit sa panahon ngayon, gaya ng TALO = OLATS, TIGAS = ASTIG, HINDE = DEHINS at GUTOM = TOMGUTS.

10. Magkaiba ang IBA’T IBA at IBA-IBA. May gitling (-) kapag umuulit ng salita: iba-iba, sarisari, isa-isa. Ang IBA’T IBA ay pinaikling salita ng IBA AT IBA. Hindi ito umuulit na salita dahil sa salitang AT.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines