Balita

Pagkamatay ni Margot Kidder, nabunyag na

-

ANG pagkamatay ni Margot Kidder, ang aktres na sumikat noong ‘70s sa pagganap bilang Lois Lane sa mga pelikula ng Superman, ay malinaw na suicide, sinabi ng Montana coroner’s office.

Nang pumanaw siya noong Mayo sa edad na 69, hindi binanggit ng kanyang agent at maging ng funeral home na nag-asikaso sa kanyang bangkay kung ano ang kanyang ikinamatay, ngunit ipinahayag ng Montana’s Park County coroner’s coroner office na nagpakamat­ay nagpa ang aktres. aktre

“Ms. Kidder’s family fam urges those suffering suf from mental men illnesses, addiction addic and/or suicidal suicid thoughts to seek appropriat­e counseling cou and treatment,” trea saad sa pahayag. p Pumanaw siya s isang buwan b bago b ang pagpakamat­ay p ng designer na si Kate Spade at ng chef na si Anthony Bourdain, na nagbigay-diin sa biglaang pagdami ng mga insidente ng suicide sa buong mundo at kahalagaha­n ng pagtugon sa isyu.

Nasuring may bipolar disorder, naging aktibista si Margot para sa mental health issues at isinulong ang left-wing causes.

Bumida si Margot sa Superman trilogy na ipinalabas mula 1978-1983 bilang hotshot reporter na si Lois Lane, ang love interest ni Clark Kent – ginampanan ni Christophe­r Reeve,

na pumanaw noong 2004.

Nagkaroon din siya ng cameo appearance sa 1987 film tungkol sa DC Comics superhero na pinamagata­ng Superman IV: The Quest for Peace.

Isinilang na Margaret Ruth Kidder noong Oktubre 17, 1948 sa Northwest Territorie­s ng Canada, umangat ang kanyang karera noong ‘70s at ‘80s, nang makatrabah­o niya ang mga sikat na artista kabilang sina Robert Redford at Richard Pryor.

Nagpatuloy siya sa pag-arte ngunit humina ang kanyang popularida­d matapos maisapubli­ko ang kanyang mental breakdown noong 1996.

Nasuring may bipolar disorder, isinulong ng aktres ang mental health issues at naging kampeon ng left-wing causes. Naging US citizen siya noong 2005.

 ??  ?? Margot
Margot

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines