Balita

All music today sounds the same—Madonna

-

HINDI nai-impress si Madonna sa kalidad ng music industry sa kasalukuya­n. Patuloy ang pop legend sa pagsira sa mga hangganan ng musika mula nang ilabas niya ang kanyang self-titled debut album noong 1983, at hinahamon niya ang musical convention­s sa pamamamagi­tan ng kanyang lyrics, song structures, at sexually-charged visuals.

Isang tao na hindi takot mag-eksperimen­to, hinahangad ni Madonna na mas maraming artists ngayon ang maglalakas-loob na maging kakaiba.

“Everything’s so formulaic, and every song has 20 guest artists on it, and everyone sounds the same,” reklamo niya sa “music business now” sa panayam sa kanya ng Vogue Italia.

Ayon sa Cover Media, naghahanda ang 59year-old sa paglabas ng kanyang bagong awitin “that will be released by the end of the year,” at ipinaliwan­ag na naging malaking inspirasyo­n sa kanya ang mamamayang Portuguese simula nang lumipat siya sa Lisbon, Portugal noong 2017, matapos ang kanyang 12-anyos na anak na lalaking si David Banda ay sumali sa Benfica soccer team youth academy.

“In Alfama, you’ll hear people singing and playing fado music everywhere,” pagbabahag­i ng Material Girl hitmaker. “There are these weekly sessions called living room sessions which pop up in people’s beautiful homes that are 500 years old, and you walk up the marble steps which are lined with candles into the living room which is also dimly lit with candles. And there’s this rolling, very intimate performanc­e happening where people play, they sing, they recite poetry.”

Nagpahagin­g din si Madonna na, hindi tulad ng current crop of popular musicians, nagtatangh­al ang mga Portuguese dahil sa passion at hindi para sa anumang financial incentive.

“It’s like a salon; something which doesn’t really exist in many places anymore - people elsewhere say, ‘Call my manager, this is how much I charge,’” aniya. “I’m pretty sure in Lisbon people would do these shows and not get paid, they just do them for the love of what they do, and for me, this is glorious and inspiring.”

 ??  ?? Madonna
Madonna

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines