Balita

NBL PH Grassroots League

- Ni BRIAN YALUNG

ILULUNSAD ang National Basketball League (NBL) – Philippine­s sa Agosto 25 sa Hagonoy Sports Complex sa C6, Taguig City.

Nakatuon ang liga sa amateur at homegrown players na may edad 18 hanggang 29 years old at naglalayon na matulungan ang mga kabataan na maabot ang kanilang pangarap na high-level basketball.

Kabuuang 12 koponan, tampok ang 300 players ang may pagkakatao­ng magpamalas ng kanilang husay at galling. Ang mga koponan na sasabak sa liga ay ang Bataan Elites, Bulacan Makabayan, Cam Sur Express, Dasmarinas Monarchs, Laguna Pistons, Marikina Shoemakers, Bespren Nueva Ecija, Laguna Pistons, Paranaque Aces, QC Rising Stars, Rizal Spartans at Madmax Taguig Generals.

Bawat koponan ay binubuo ng 25 players, ngunit 18 lamang ang papayagan na makalaro bawat laban. Bawat isa ay kailangang makapagsum­ite ng dokumento na magpapatib­ay na tunay na nagmula sila sa lugar na kinabibila­ngang koponan.

“We will be very strict in the checking of players. Baka may mga certain requiremen­ts na kelangan ipakita para patunayan na taga doon talaga sila,” pahayag ni NBL Chairman Celso “Soy” Mercado.

“Siyempre, lahat ng mga players na taga-don, masarap ang pakiramada­m sa bandang huli kasi lehitimo sila na taga doon,” aniya.

Iginiit ng organizers na hindi maitutulad sa PBA at MPBL ang NBL na isang compliment­ary league.

“We will not be competing with any league here sa Pinas. Pero, we will be competing with NBL leagues from other countries,” pahayag ni Mercado.

Ngunit, ang magiging kampeon sa liga ay mabibigyan ng pagkakatao­n na makalaro sa internatio­nal competitio­n laban sa mga koponan mula sa Vietnam Basketball Associatio­n (VBA) at Indonesian Basketball League (IBL).

“On our third season will start playing against out internatio­nal counterpar­t, NBL Australia, China, and Canada,” sambit ni Ms. Rhose Montreal, VP for Marketing ng NBL.

Si dating PBA player Fernando “Nandy” Garcia ang league commission­er.

“Since bago pa lang tong liga, I’m expecting some bumps along the way. Pero it’s part of the process. No league is perfect,” pahayag ni Garcia.

 ?? ROY AFABLE ?? PINANGUNAH­AN ni NBL PH Chairman Celso " Soy" Mercado (gitna) ang paglulunsa­d ng liga sa isinagawan­g media conference sa Dad's Kamayan EDSA.
ROY AFABLE PINANGUNAH­AN ni NBL PH Chairman Celso " Soy" Mercado (gitna) ang paglulunsa­d ng liga sa isinagawan­g media conference sa Dad's Kamayan EDSA.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines