Balita

Palicte, handang patulugin si Nietes

- Gilbert Espeña

Handang-handa na si WBO No. 2 Aston Palicte na patulugin ang kababayan niya sa Negros Occidental na si WBO No. 1 Donnie Nietes para sa bakanteng WBO super flyweight belt sa Setyembre 8 sa Forum, Inglewood, California sa United States.

Kasalukuya­ng NABF at WBO Inter-Continenta­l super flyweight titlist, masusubok ang kakayahan ng tubong Bago City na si Palicte sa residente ng Bacolod City na si Nietes, kampeon sa tatlong dibisyon sa pro boxing.

Malungkot si Palicte na sasagupa sa kapwa Pinoy na si Nietes para sa kampeonato­ng pandaigdig ngunit wala siyang magagawa kundi tuparin ang pangarap na maging world champion.

“Wala po akong galit kay Donnie Nietes sa labas nang ring,” sabi ni Palicte sa Philboxing.com. “Pagdating po sa loob nang ring iba na po kasi pareho naming gustong manalo. Tapos po ng laban, puwede kaming magkaibiga­n uli."

Kilalang knockout artist sa kartadang 24 panalo, 2 talo na may 20 pagwawagi sa knockouts, mas matangkad si Palicte ng apat na pulgada kay Nietes sa taas na 5’7” kumpara sa 5’3 na si Nietes.

Ngunit walang ibubuga si Palicte sa karanasa sa ibabaw ng lonang parisukat ni Nietes na may rekord na 41-1-4 win-loss-draw na may 23 panalo sa knockouts at pinakamata­gal na naging world boxing champion ng Pilipinas, nahigitan ang rekord ng pamosong si dating WBC junior lightweigh­t champion Gabriel “Flash” Elorde.

Ang sagupaan nina Palicte at Nietes ang ikalawang bakbakan ng mga Pinoy boxer pagkaraan ng mahigit 90 taon matapos ang matagumpay na depensa ni IBF super flyweight champion Jerwin Ancajas sa kanyang korona kay mandatory contender Jonas Sultan nitong Mayo 26 sa Fresno, California sa US.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines